Jazz Ocampo, type ka-loveteam si Derrick Monasterio

Jazz Ocampo, type ka-loveteam si Derrick Monasterio

Jazz-OcampoSA PAGKAKAALAM daw ni Jazz Ocampo, wala siyang magiging ka-partner o love interest sa unang project niya sa GMA na InstaDad. Family-oriented daw kasi ang tema nito na iikot ang story sa relasyon ng bida rito na si Gabby Eigenman sa anak niyang triplets na ginagampanan nga nina Jazz, Ashley Ortega, at Gabbi Garcia.

Pero open naman daw ang pinakabagong Kapuso young actress kung bibigyan siya ng GMA ng ka-loveteam.

At sino naman sa mga Kapuso young actors ang sa palagay niya ay interesting na maging kapareha at madali niyang makakagamayan?

“Siguro po si Derrick (Monasterio). Kasi nakatrabaho ko na po siya sa isang episode ng Maynila. ‘Yong iba kasi, hindi ko pa po personal na kakilala. E, si Derrick po, bukod sa nakatrabaho ko na siya, talagang at ease na ako sa kanya. Maybe because same manager din po kasi kami.”

Hindi naman siya nililigawan ni Derrick?

“Ay, hindi po! May girlfriend po ‘yon,” sabay tawa ng young actress. “At kaibigan ko po ‘yong girlfriend niya. Non-showbiz kaya… ayoko pong banggitin ang name,” nangiting sabi pa ni Jazz.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan