Jaz Manabat, ibubuyangyang na ang lahat sa bahay ni Kuya!

ADVERTISING

Jaz Manabat, ibubuyangyang na ang lahat sa bahay ni Kuya!

Jaz Manabat, ibubuyangyang na ang lahat sa bahay ni Kuya!OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth, dahil nga-yong Monday ay bonggang-bonggang eksena na naman ang aking ichi-chikka at talaga namang maniniwala kayo. Dahil itong dalawang isusulat ko ay malapit sa akin at siyempre kahit malapit sila sa akin, nasa tama pa rin tayo.

Kumustahin naman natin ang isa sa nabigyan ng pagkakataong mapasok sa loob ng bahay ni Kuya na sa dinami-dami ng mga nag-audition ay pinalad nga. Siya si Jahziel Manabat at pinangalanan siyang JAZ sa loob ng bahay ni Kuya.

Kakaiba kasi ang nagging buhay ni Jaz, at in fairness naman sa kanya, meron kasi siyang kapatid ng beki at tibo at siya ang gitna na marami siyang pangarap lalo na sa magulang niya. At proud naman siya sa pagpapa-sexy niya dahil natupad din niya ang pangarap niyang makapasok sa bahay ni Kuya.

Noong nagpupunta pa lang siya sa bahay namin dahil bestfriend siya ng anak ko, ubod siya ng taba. Sabi ko sa kanya, magpapayat siya at may potential siya. Naku, naloka ako pagbalik niya, halos isang buwan lang ay ubod na ng payat at bongga talaga ang naging resulta.

ADVERTISING

Pangarap lang dati ni Jaz na maging isang model. At take note, siya ang nagbabayad sa photographer. Ngayon, nakamit niya ang gusto niyang makamit, siya na ang binabayaran. Ang tanong: Makatatagal kaya siya sa PBB? May mali-link kaya sa kanya? Mababalikan niya kaya ang 5-year relationship niya sa labas ng bahay ni Kuya? Abangan natin at subaybayan natin ang magiging eksena ni JAZ. Pak!

 

AT HETO NAMAN ang opinion ko sa isang ipinaglalaban ko at opinion ko lang naman talaga. ‘Yun sa naging eksena ng aking kumare sa Protégé, at sumagot na nga siya sa gapangan isyu. Ako ang tinutukoy niya sa sinabi niyang unang-una hindi nga raw sa kanya ang salitang ‘gapang’ dahil alam ni Claire dela Fuente na hindi naman din ganu’n.

At kitang-kita ko naman talaga na tuwang-tuwa si Claire na natanggal si Imelda Papin sa Protégé. Kaya ang nakikita ko naman ngayon habang pinapanood ko ay si Rey Valera naman ang susunod niyang gapangin para matalo, ‘di ba?

Pero natutuwa naman si Imelda, dahil marami pa ring sumusuporta kay Rosalyn. Nu’ng dumalaw kami sa Antipolo, kahit siya ang unang natanggal, may bonggang eksena na dahil paglabas agad ng protoge ni Imelda ay magkakaroon sila agad ng show this Nov. 18 & 19, at mapalad din ang protégé niya dahil makakasama niya pa ito sa mga upcoming shows niya sa Amerika.

Kaya hindi raw sila dapat malungkot. Good luck na lang kay Claire, kung hanggang saan niya ipaglalaban ang protégé niya. Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING