Jayson Gainza, nakaranas din ng paninigaw ng direktor

Jayson Gainza, nakaranas din ng paninigaw ng direktor

Jayson-GainzaNakaranas din pala ng paninigaw ng direktor ang komedyanteng si Jayson Gainza, pero hindi niya raw ito pinersonal.

“Oo, naranasan ko na rin ‘yun, hindi kay Direk Cathy (Garcia-Molina), sa ibang direktor,” pag-amin ng isa sa mga bida sa Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Films na palabas na ngayon sa mga sinehan.

“Hindi ako makaiyak, hindi ko alam kung saan ang camera. Papagalitan ka talaga,” patuloy niya.

“Pero pagkatapos naman nu’n, tatapikin ka. Kunwari dinner time, ‘pasensiya ka na, nasigawan kita, ha?’ Pasensiya ka na rin direk, kasi hindi ko alam kung paaano po iaarte ‘yun,” kuwento pa niya.

Eh, ano ba ang pinakamasakit niyang narinig mula sa direktor?

“Ang tagal-tagal umiyak niyan! Hindi marunong umarte ‘yan. Ang tanga-tanga! Ganu’n,” pag-amin niya.

“Merong ganun talaga. Maraming ganung direktor. ‘Yung iba nga, may nababalitaan ka, namamato pa ng silya,” sey pa niya.

Wala naman daw siyang bad experience na naalala habang katrabaho si Direk Cathy sa pelikulang You Got Me na pinagbibidahan ni Toni Gonzaga at Zanjoe Marudo.

“Maganda naman ang experience ko kay Direk Cathy Garcia Molina. Si Direk Cathy, ‘pag nakasama mo, mabait naman siya, eh,” sabi pa niya.

La Boka
by Leo Bukas