Jayson Gainza, hindi nababakante

ADVERTISING

Jayson Gainza, hindi nababakante

Jayson-GainzaRATSADA TALAGA ang career ni Jayson Gainza mapa-hosting man or acting. Meron na naman siyang bagong raket ngayon. Isa siya sa hosts ng pinakabago at coolest travel show na Kool Trip Backpackers Edition.

“Sinusuwerte lang po siguro kaya may mga trabaho,” pa-humble pa niyang pahayag. “Sobrang thankful ako na kahit sa hosting, hindi rin talaga ako nababakante,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, malaki ang nagawa ng programang Trip na Trip na kinabibilangan niya noon at ang panggagaya niya kay Boy Abunda para mahasa ang kanyang hosting skills.

“Do’n po talaga nadagdagan ang confidence ko sa paghu-host. Wala naman talaga akong alam dati, pero unti-unti kong natutunan ang craft hanggang naging komportable na rin ako sa ginagawa ko,” kuwento pa ni Jayson na itinuturing na isa sa prime comedian ng Star Magic.

ADVERTISING

Makasasama ni Jayson sa paghu-host ng Kool Trip sina Congressman Albee Benitez, the pride of Negros Occidental and chairman of the House Committee on Housing and Urban Development, at si Marjorie Cornillez na isang model-turned-entrepreneur.

Sa kanilang first season, Kool Trip has featured places like Albay Bicol, Caliraya and Cavinti, Laguna, Fort Ilocandia in Ilocos Norte, Pagudpod in Ilocos Sur, Baler, Quezon and Sagada.

Sa kanilang next episodes, pupunta naman sila ng Coron Palawan with guest director Albert Martinez at ipalalabas ito sa February 28. Susunod nilang pupuntahan ang Oriental Mindoro, Cagayan Valley, Mindanao, and Visayas region.

Mapapanood ang Kool Trip Backpackers tuwing Sbado, 6:30 to 7 p.m. sa ABS-CBN Sports and Action (dating Studio 23). The show is under the direction of Arnel Caibal.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING