Jaya, umalma sa isang on-line article

ADVERTISING

Jaya, umalma sa isang on-line article

JayaINALMAHAN NI Jaya ang isang on-line article implying na may pananagutan ang kanyang inang si Elizabeth Ramsey kung hindi man naging normal ang kanyang naging buhay sa Amerika while growing up.

Ani Jaya, she had a mind of a 12 year-old gayong may edad na nga naman siya noong mga panahong ‘yon.

Also implied in the article was Elizabeth’s negligence of her maternal duties nang tangkaing mag-suicide din noon ni Jaya.

Having read the item ourselves, hindi naman ‘yon kasiraan ni Tita Elizabeth bilang ina sa kanyang anak. Sinabi naman ni Jaya sa interview article na ‘yon na isang single parent ang kanyang ina. Ang siSte, hindi pala mismong si Tita Elizabeth ang nakabasa ng artikulong ‘yon kundi ipinarating lang sa kanya.

ADVERTISING

Pero nauunawaan namin ang posisyon ni Jaya. Naloka lang ang Soul Diva sa titulong ginamit: “Jaya Admits to Attempted Suicide.”

Na hindi naman niya itinanggi, pero hindi na niya idinetalye sa kung paanong paraan niya ‘yon ginawa, although she confessed na walang kamalay-malay ang kanyang pamilya about her suicide try except her friends to whom she would confide her problems.

Nang mainterbyu ng Startalk, Jaya reiterated her sentiments, making it impossible for a mother like her to discredit her own mother whose efforts to raise her and her siblings sa kabila ng kanyang pagiging isang single parent ay labis niyang ipinagpapasalamat.

Pero nang i-phone patch naman ng Startalk si Tita Elizabeth, she denied having felt bad about Jaya’s statement.

 

PERSONAL: Isang maligayang pagbati sa kaarawan ngayong araw ni Kuya Boy Abunda, I love you po, ama. Ingatan n’yo po lalo ang inyong kalusugan.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING