Jaya, siniraan ang inang si Elizabeth Ramsey?

ADVERTISING

Jaya, siniraan ang inang si Elizabeth Ramsey?

Elizabeth-Ramsey-JayaNALOKA KAMI rito kay Elizabeth Ramsey nang na-phone interview namin sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

May interview kasi kami kay Jaya, kung saan nilinaw niya ang tungkol sa mga sinabi niya sa presscon.

Nabanggit niya kasi du’n ang tungkol sa mga pinagdaanan n’ya noon sa Amerika na muntik na raw siyang nagtangkang magpakamatay.

Nakarating ‘yun sa Mommy niya at nagalit daw ang Elizabeth dahil parang nasiraan daw siya bilang ina.

ADVERTISING

Kaya nagsalita si Jaya sa Startalk para ipaliwanag ‘yun at gusto raw sana niyang makausap ang Mommy niya. Pero ayaw daw siyang sagutin.

Nilinaw ni Jaya na hindi niya sinisiraan ang Mommy niya, dahil Mommy nga n’ya ‘yun.

Kaya sana raw magkausap silang mag-ina para mapakinggan naman ang paliwanag niya.

Nu’ng inilabas namin ang kuwentong ‘yun sa Startalk, at tinawagan namin si Elizabeth para hingan ng sagot sa mga sinabi ng anak niya.

Diyos ko, ‘day! Parang wala naman siyang alam. Hindi raw niya alam ang mga ganu’ng kuwento at wala raw sa kanya ‘yun! Tapos na ang isyu.

Pero sabi ng staff namin, itong si Elizabeth daw ang tumatawag at gustung-gustong magpa-interview para sagutin ang anak niya. Tapos ngayon parang walang nangyari?

Kaya tinapos na ang tsikahan, at tapos na rin ang isyu. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING