Jaya, nakunan ang tatlong-buwang ipinagbubuntis

ADVERTISING

Jaya, nakunan ang tatlong-buwang ipinagbubuntis

JayaHINDI KO napanood ang Sunday All Stars nu’ng nakaraang Linggo.

Sabi kasi nila, may announcement daw si Jaya.

Ang alam ko kasing bagong nangyari sa kanya ay nakunan pala siya.

Magta-tatlong buwan na pala siyang buntis, pero wala siyang kamalay-malay, nakunan na pala siya.

ADVERTISING

Kaya pansamantalang nagpahinga muna siya, pero hindi rin kailangang magtagal dahil abala siya noon sa concert niya sa Solaire.

Nu’ng nakaraang Lunes kasi ang concert niya para sa 25th anniversary niya sa showbiz.

Naging abala siya sa preparasyon nu’n, at wala siyang kamalay-malay nakunan na pala siya ng ipinagbubuntis niya.

Kaya pansamantalang nagpahinga muna siya pero hind na siya puwedeng magtagal dahil kailangan na niyang bumalik sa pag-rehearse.

Pero nairaos naman ‘yata nu’ng Lunes at ngayon ay pahinga siya uli.

Ngayon daw ay magpu-focus na muna siya sa pagpapahinga, at sana raw makabuo na sila uli.

Tama nga namang masundan na ang kanilang anak.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING