Jay R, ‘di talaga mananalo sa talent show dahil sa text vote

Jay-RMAS MAY karapatang magwaging first Your Face Sound Familiar winner si Jay R kumpara sa nagwaging si Melai, dahil mas hamak na nagawa ni Jay R ang dapat mangyari sa mga contestant na sumali sa YFSF, ‘di ba?

Pawang mga ilusyudo ang mga nakalaban ni Jay R na nangarap na maging katulad nila ng kanilang mga ginaya kahit na alam nilan mismo na hindi nila ito kaboses at kamukha.

Kung ginaya ni Melai si Elizabeth Ramsey, aba! Talagang kamukha at kaboses niya ang ina ni Jaya pagdating sa pagkanta on stage.

Si Nyoy Volante naman na ginaya si Whitney Houston na bukod sa babae at mataas ang boses ay nakapagtataka samantalang marami namang lalaking singer na kayang-kaya niyang gayahin, tulad ni Pavaroti, ‘di ba?

Kung mga hurado lang ang magdedesisyon, walang duda na walang tatalo sa ginawa ni Jay R na ginaya si Frank Sinatra na bukod sa naging kamukha niya ang hitsura ay kuhang-kuha rin niya ang boses ng sikat na international singer.

Pero dahil nga text vote ang naturang contest, walang duda na ang mananalo ay ‘yung tao na hindi dapat manalo, ‘di ba?

Anyway, congrats sa nanalo at sana sa susunod na YFSF, maging makatarungan na ang gagawing pagbabasehan ng mananalo.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleRyza Cenon, suko na sa pangarap na maging big star
Next articlePilar Pilapil, nabastusan ang MTRCB sa litanya sa soap

No posts to display