Jay Manalo matindi ang pagbabawal sa mga anak na pasukin ang showbiz

Leo Bukas

SA DAMI ng anak ng aktor na si Jay Manalo sa iba’t ibang babaeng kanyang nakarelasyon ay wala ni isa sa mga ito ang pumasok sa showbiz at naging artista. Sa 12 naging anak ni Jay ay lima na ang kanyang napa-graduate ng college graduate.

Ang isa naman ay nasa first year college na ngayon habang bata pa ang kanyang bunso. May mga teenagers na rin siyang anak ngayon sa kanyang misis.

Jay Manalo matindi ang pagbabawal sa mga anak na pasukin ang showbiz
Jay Manalo

Ayon kay Jay na balik-Viva na ulit ngayon ay sinadya talaga niyang huwag i-encourage ang kahit sino sa kanyang anak na pasukin ang showbiz. Eh, bakit naman kaya?

“Kasi nade-defocus once na nakatikim na ng either fame or fortune. Nawawala na yung pokus sa pag-aaral. Maraming ganon, eh,” paliwanag ng actor.

“Pero hindi ko naman sinasabing lahat, pero karamihan. Lalo na yung inuumpisahan yung pag-aartista sa young age. Nakakalimutan na yung kanilang urge to finish the education. Ayoko ng ganun,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa award-winning aktor na huling napanood sa Kapamilya series na Mea Culpa: Sino Ang May Sala noong 2019, malaki ang pagpapahalaga niya sa edukasyon ng mga anak kaya ito dapat maging priority nila.

“Ako kasi sa akin nga, lahat ng trabaho pinasukan ko hanggang sa itong showbiz nga. Ito yung nagsuporta sa akin at nagsuporta sa mga anak ko para makapag-aral. Ituloy-tuloy ko nalang ang obligasyon ko sa kanila, kung ano yung aim ko para sa kanila.

“Sa mga anak ko with my wife, wala akong nakitaang may hilig. Yung isa lang, yung pangalawa namin.  Sumasali kasi sa mga teatro sa school. Yung pangalawa ang medyo — actress siya sa school. May T-shirt nga siyang may nakasulat na ‘actress.’ Sabi ko, ‘Ano yan? Sabi niya wala daw, sa school lang daw,” kuwento ni Jay.

Jay Manalo matindi ang pagbabawal sa mga anak na pasukin ang showbiz
Jay Manalo

Ibinahagi rin ni Jay kung anong klase siyang ama. Hindi daw siya namamalo ng mga anak.

Aniya,  “Pinagdaanan ko kasi ang palo, eh. So, ayokong iparamdam yon sa mga bata. Hindi magbabago, eh,  cycle lang yan. Ayoko talaga. Ayoko talaga nu’n kasi alam ko ang pakiramdam.

“Alam mo naman kapag mga bata medyo ano. Kumbaga, ina-acting ko lang pag nagagalit ako. Yon bang imo-modulate mo yung boses mo. Parang  sa boses mo palang matakot na. Hindi ka na kailangan tumayo o gumalaw. Ganu’n lang. Kung ano yung ginagawa mo sa syuting maa-adopt ko pala dito.”

 

Previous articleBALIK-AMERIKA! Jaya emosyonal na nagpaalam sa It’s Showtime, goodbye na rin sa showbiz!
Next articleAra Mina masayang umatend sa kasal nila ni Dave Almarinez ang ex-boyfriend na si Patrick Meneses