Jason Francisco, walang panahon para magseryoso sa pag-ibig

ADVERTISING

Jason Francisco, walang panahon para magseryoso sa pag-ibig

Jason Francisco, walang panahon para magseryoso sa pag-ibig

INABANGAN NG pub-liko ang mga pahayag ng Melason (the moniker given to the love team of Melai Cantiveros and Jason Francisco) tungkol sa totoong dahilan ng kanilang break-up dahil sa sari-saring isyu na ikinabit matapos itong pumutok.

Nauna nang binasag ni Melai ang kanyang pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ni Jason. Masaya na raw siya ngayon at mas mahal na niya ang kanyang sarili. Pero nang tanungin naman siya ng The Buzz kung magkaibigan pa rin ba silang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay mas pinili nitong umiwas sa pagsagot.

This time, it was Jason’s turn to speak about the issue. In the recent story conference of the teleserye Angelito (which is now on its new chapter), nilinaw ni Jason ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. Totoo nga bang may third party sa kanilang break-up ni Melai?  “Wala talaga! Swear, wala talaga! For the record, wala pong third party. Iyong kay Kaye (Abad), sobrang labo noon kasi kasama ko siya sa Angelito. Hindi ko nga crush iyon, eh.”

ADVERTISING

Dagdag pa niya, “Iyong nangyari naman sa amin (ni Melai), nagkulang kami sa responsibilidad. Nagkulang ako sa commitment, expectation, so doon nag-start kung bakit kami naghiwalay.”

Pero masaya namang ibinalita ni Jason that his relationship with Melai is getting better after what happened between them. Nagkita raw sila kamakailan. “Noong una parang hindi ako masyadong nagsasalita. Hinihintay ko na siya na lang iyong mag-first na mag-approach sa akin. Binati naman niya ako. So, masaya na. Okay na siya sa akin. Parang iyong mga nakaraan na ginagawa namin, parang nag-start nga kami, simula ulit.”

Kung ang kanyang series na Angelito ay may panibagong kabanata, paano naman kaya ang kayang buhay-pag-ibig? Handa na ba siyang umibig muli at magkaroon ng bagong mamahalin? “Sobrang hindi, kasi ayoko talaga. ‘Pag naghanap uli ako ng pag-ibig, mayroon na naman akong tao na kailangang bigyan ng time. Nahihirapan din ako,” pag-amin niya.

Pero kung hindi pa handa sa isang panibagong relasyon si Jason ay mukhang iba naman ang kaso ni Melai. Sinabi ni Jason that he hears someone is courting her. But according to Jason, it seems impossible for Melai to enter into a new relationship right now. “Ako naman, okay lang sa akin. Feeling ko naman, hindi pa iyon agad magpapaligaw kasi siyempre kilala ko siya. Hindi siya ganoon na parang wala lang nangyari.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING