Jason Abalos, kumpleto na raw ang career dahil sa movie kasama ang Superstar

ADVERTISING

Jason Abalos, kumpleto na raw ang career dahil sa movie kasama ang Superstar

Jason-AbalosIN THE news si Jason Abalos dahil sa mga nude photos niyang nagkalat sa internet doing an act na feel na feel ng mga beki. ‘Yun nga lang, idinenay na ni Jason na hindi siya ‘yun. ‘Yung mga larawang kuha niya na close-up bago ‘yung act, siya ‘yun, pero idinugtong na lang ‘yun at malabo pa ang kuha. Natatawa na lang si Jason.

Ang totoong news tungkol kay Jason ay ang sobrang tuwa nito na nakatrabaho at nakasama si Ms. Nora Aunor sa Kabisera. Sobrang starstruck nga ni Jason at isa pa siya sa mga anak ni Ate Guy sa indie film. Iba raw talaga ang naging karanasan niya doing the movie with no less than the Philippine Superstar.

“Ang galing-galing talaga niya kahit wala siyang dialogue. ‘Yung nakatingin lang siya sa iyo nang ganu’n, grabe! Off-cam, super bait niya. Nanay nga ang tawag namin ni JC de Vera (kasama rin sa pelikula) sa kanya at anak naman ang tawag niya sa amin. Isang napakagandang experience iyon na makasama ko si Nanay bilang aktor. Tuwang-tuwa nga ang mother ko, kasi Noranian siya. Nasabi ko sa sarili ko na kumpleto na ang career ko, kasi nakasama ko na ang nag-iisang Superstar ng ating bansa,” tsika ni Jason sa amin.

Samantala, inamin ni Jason na nanghinayang siya at hindi sa kanya napunta ang Hermano Pule na originally was first offered to him. Si Aljur Abrenica na nga ang nakuha ni Direk Gil Portes at kasalukuyan na silang nagsi-shoot around Quezon Province in time for the Metro Manila Film Fetival 2015 come December.

ADVERTISING

“Nu’ng time na ‘yun kasing ino-offer sa akin, nagbigay ako ng schedule sa kanila. May US vacation kasi ako nu’n at work din, so sinabi ko sa kanila ‘yung availability ko. Kaso natagalan yata sila sa preparasyon hanggang nakaalis na ako. Ngayon namang nakabalik na ako, may mga pumasok namang TV shows at pelikula, so lalong walang time. Siguro, hindi talaga para sa akin ‘yun. Sana in time, makagawa rin ako ng ganu’ng klaseng story,” diretsong pahayag pa sa amin ni Jason.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING