Jason Abalos, isinusuka sa sariling bayan?! – Tita Swarding

ADVERTISING

Jason Abalos, isinusuka sa sariling bayan?! - Tita Swarding

OLA CHIKKA! MARAMI ang naloka sa mayabang na TV host na si Willie Revillame dahil kailan lang ay nawindang ang buong mundo sa binitiwan niyang pahayag bago ang laban ng Pambansang Kamao. Sa kanyang salita, ayaw raw niyang pumunta sa laban ng Pambansang Kamao, dahil ayaw raw niyang masapawan ang magaling na boksingero, huh! Nakakalerke, huh!

ADVERTISING

Gayunpaman, kahit anong sabihin niya, tila ‘boo’ ang inabot niya sa ilang mga kababayan na nanood mismo sa laban ni Manny Pacquiao. Lalo na sa ilang lalawigan sa ating bansa na nakaabang sa kani-kanilang telebisyon, at ‘yung iba ay sa widescreen pa na may bayad.

‘Yan ang nakarating sa akin galing sa aking parazzi girl, dahil nang makitang nandu’n pala sa mismong laban ng Pambansang Kamao ang mayabang na TV host, tila ‘boo’ ang inabot nito sa mismong lalawigan diumano ng Pambansang Kamao. Tila tinandaan ng mga tao ang binitiwan nitong pahayag na ayaw niyang manood sa laban ni Pacman, dahil ayaw raw niyang masapawan, huh!

Pati ako ay naloka roon, ha?! Kahit saan man tingnan, si Manny Pacquiao ay si Manny Pacquiao. Kahit tumambling pa nang tumabling ang mayabang na TV host sa mismong laban ni Pacman, tila hindi ito papansinin. Eh, hindi naman ito kilala ng mga foreigner na nandoon. Kilala lang siya ng mga Pilipino na nagtitiyaga na lang sa kanya, huh!

ADVERTISING

‘Yan ang nakarating sa akin na ‘boo’ ang inabot ng TV host mula sa mga taong nanood ng laban ni Pacman. Tsk, tsk, tsk!

NAKAUSAP KO MISMO ang kaibigan ng magaling na batang aktor na si Jason Abalos. Kilalang-kilala niya ang aktor, dahil pati ang mga pinsan nito ay kaibigan din ng aktor, at very close nga sila.

Noong isang araw habang kausap ko ang kaibigan ni Jason with my director-friend Neil Tan, ibinungad ng kaibigan niya na ikinahihiya raw ni Jason ang kanilang bayan sa Nueva Ecija. Nakalimutan ko lang ang pangalan ng lugar na binanggit ng bata.

Ang chikka pa, eh, dahil daw sa bundok ang lugar at tila masyadong malayo sa kabihasnan at mahirap ang transportasyon kaya ikinahihiya ng batang aktor, huh! Kaya raw ang ginagamit na lugar nito at ipinakikilala sa mga tao ay ang San Jose, Nueva Ecija samantalang hindi naman daw ito tagaroon.

Kilala niya ang aktor dahil magkaklase raw sila noong nasa elementarya pa lamang sila at nang mag-high school. Hmmm… Kaya ganu’n na lang daw sila nagtataka kung bakit ikinahihiya ni Jason ang kanilang lugar.

Dagdag pang chikka, isinuka na si Jason ng kanilang kababayan dahil sa ginawa niyang iyon. Minsan nga raw na bumisita roon ang aktor, tila hindi raw ito pinansin ng mga tao, at pati na rin ng mga kaibigan nito. Tila iba na raw ang Jason na kilala nila noon kaysa ngayon.

Chikka pa ulit ng kabigan ng aktor, naniniwala sila na ang batang inilabas ng Pinoy Parazzi noon at idinenay ni Jason na anak niya ay totoo ngang anak ni Jason. Sa totoo lang daw sila naniniwala. Noon pa man daw ay umugong na ang balitang may naanakan nga raw ang aktor bago pa lumabas ang litrato ng bata at naipakita sa telebisyon.

Naku, ha?! Naloka ako roon. Hmmm… ano naman kaya ang masasabi ni Jason Abalos dito. Naku, ha?! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING