Jason Abalos & Erich Gonzales: Quest For True Love

ADVERTISING

Erich-Gonzales-Jason-AbalosJASON ABALOS
Real Name: Jason Jimenez Abalos
Birthdate: January 14, 1985
Zodiac Sign: Capricorn

ERICH GONZALES
Real Name: Erika Chryselle Gonzales Gancayco
Birthdate: September 20, 1990
Zodiac Sign: Virgo

ADVERTISING

ISANG MALAKING sorpresa sa teleserye addicts ang biglang paglabas ng teaser para sa Two Wives, ang Philippine adaptation ng sikat na Koreanovela. Pasok sa cast nito ang reliable actor na si Jason Abalos together with Pinay beauties na sina Kaye Abad at Erich Gonzales.

Alam n’yo ba na sumali rin noon sa Star Circle Quest (SCQ) si Jason Abalos, pero hindi ito nakasali sa Final 10? Known naman sa lahat na si Erich Gonzales ang Grand winner ng Season 2.

Sina Jason at Erich ang masasabi natin na dalawa sa pinakaimportanteng artista ng Dos, ‘di lang dahil sa looks, but because of talent. Both are attached in real-life, pero hindi namin maiwasang mag-isip ng “what ifs” (as always!). Swak kaya ang Jason-Erich sa totoong buhay?

ADVERTISING

Level-headed at realistic sa buhay ang Capricorn at Virgo. Matured at maaasahan sila pagdating sa mga seryosong bagay. There are obvious differences, but still dependable. Metikuloso sa pagpa-plano ang Capricorn, dahan-dahan nitong pinaplano ang bawat galaw. Applicable sa kanya ang ‘slowly but surely’ approach. Ang Virgo naman ay mas dumidepende sa skills at effort kaysa sa pagpaplano.

By nature ay seryoso talaga ang Capricorn at Virgo. Dapat silang maging conscious na hindi kasalanan ang pagkakaroon ng konting ‘fun and spice’ sa buhay. ‘To be on top’ ang personal goal ng Capricorn sa lahat ng bagay. For some reason, makatutulong ang Virgo para maabot nito ang mga minimithing pangarap. Very minimal ang puwede nilang pag-awayan. Overall, this love match is uber perfect!

Maganda ang rapport ng tambalang ito. Sa katunayan nga, no words are needed para ipaalam kung ano ang iniisip ng isa’t isa. Ibibigay ng lalaking Capricorn ang security na nais ng babaeng Virgo. On the other hand, tutulungan ni girl si boy sa pag-abot ng kanyang wildest dreams. Aalagaan nila ang isa’t isa at pagdating sa romansahang pisikal ay hindi rin boring ang kanilang performance, huh!

Ahem… these Questors have what it takes to be lovers! If anything goes wrong in your current relationships, alam n’yo na kung sino ang puwedeng pamalit! Hek-hek-hek!

Pares-Pares

By Madam DaminJason Abalos & Erich Gonzales: Quest For True Love

ADVERTISING