Jason Abalos, apektado sa kalagayan ng kanyang lola na nasa ICU

ADVERTISING

Jason Abalos, apektado sa kalagayan ng kanyang lola na nasa ICU

Jason Abalos, apektado sa kalagayan ng kanyang lola na nasa ICU
Jason Abalos with his grandma

NABASA ko ang hugot ng aktor na si Jason Abalos sa kanyang socmed account recently. Nag-flashback ang aktor sa naging relasyon nia sa kanyang lola na nakalakhan niya sa Pantabangan, Nueva Ecija.

Sa kanyang IG account na @thejasonabalos ay emosyonal naibinahagi ng aktor ang closeness nilang dalawa. Panimula ni Jason (@thejasonabalos): “Mula nong tuesday bumabalik sa akin ang mga alala namin mag lola, kasabwat niya ako sa pag taya ng jueteng na tinatago namin kay Lolo. Ako utusan niya para mag pabili sa tindahan, gusto ko naman dahil sa akin na ang sukli.

“Pag fried chicken ang ulam una niya, ako binibigyan minsan dalawang piraso pa na dapat tigitigisa lang. Tumira kami sa kanila nong mga bata pa kami dahil wala pa kami sarileng bahay. “Nong nag college na ako at naka bukod na kami sa kanila ako umuuwi pag sabado at linggo para mag laba ng damit pamasok sa school at dahil din dinadagdagan nya ang weekly allowance ko, di naman nya ako paborito, gusto lang nila ni Lolo sa mga apo na gusto makatapos ng pag aaral,” pagkakasulat niya tungkol sa kanya lola na edad 93 na sa kasalukuyan ay nasa ICU ng isang ospital.

Very apologetic ang aktor sa kanyang Lola sa mga kakulangan niya dito. “Bhira ko na sya madalaw, madalas dadaan na lang ako pag uuwi ako sa amin sa Pantabangan at dadaan na lang ulet pag babalik na ako ng Manila.’ Pagpapatuloy na kuwento ng aktor sa kanyang Instagram posting: 13yrs na ako sa showbiz ganon na lang naging kwento namin, totoo pala na nasa huli ang pagsisi na pag wala ka ng pag kakataon tsaka mo sasabihin ‘sana’ o kaya ‘dapat’.

ADVERTISING

“Nasa ICU na kasi siya ngayon, may namumuong dugo sa ulo, kung ooperahan daw baka di na kayanin ng edad niya (93yrs). Kinausap ko siya habang nakahiga, alam ko narinig nya ako dahil nakita ko lumuha siya. “Sana nasabi ko ung mga sinabi ko nong alam ko kaya niya pa sumagot at sana nayakap ko siya nong panahon na pwede niya pa ako yakapin.”

Napaka-emosyonal ni Jason sa sitwasyon niya ngayon base sa pagkakasulat niya sa kanyang IG. Ayon sa aktor:” Nililibang ko lang sarili ko ngayon di ko din alam kung ano mararamdaman.. narinig niyo na to at narinig ko na din, wag niyo na lang hintayin na pagsisihan niyo gaya ng nangyayari sa akin ngayon na wala na ako magawa pag iniisip ko na ‘gusto ko makasama siya, madami kasi ako kwento, madami ako gusto sabihin, gusto ko din siya yakapin’ sa isang banda nasa Panginoon ang pasya at nagtitiwala ako sa mga desisyon niya.”

“Panahon”.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING