Jasmine Curtis-Smith, walang time sa pagpapapansin ni Brian Poe

ADVERTISING

Jasmine Curtis-Smith, walang time sa pagpapapansin ni Brian Poe

Jasmine-Curtis-SmithSIGURO NAMAN tatahimik na ang anak ni Sen. Grace Poe-Llamanzares na Brian sa pag-eksena kay Jasmine Curtis Smith dahil diretsahang ipinahayag ng kapatid ni Anne Curtis, no time for love muna siya lalo pa’t bumubongga ang showbiz career niya ngayon.

ADVERTISING

Matapos umeksena kasi si Brian sa presscon ni Jasmine last week, diretsahan na ipinahayag ng dalaga na wala munang love-love sa buhay niya matapos siyang makipag-break kay Sam Concepcion noon.

Nang tanungin namin nang solo si Jasmin sa media launch ng horror movie niya na Resureksyon para sa Regal Films at Reality Entertainment na palabas na sa September 23, kung pakiwari niya’y nagagamit siya ni Brian sa biglaang pagsulpot ng binata sa kanyang presscon for her TV show sa istasyon ni MVP, isang facial expression lang ang isinukli sa amin ni Jasmine na kabaliktaran sa magandang mukha ng dalaga.

Itsurang sumimangot. Mukhang umismid na walang binitawang linya man lang o sagot. Sa reaksyon ni Jasmine, alam mong waley si Brian sa buhay niya ngayon at concentrated ang dalaga sa kayang shwbiz career.

ADVERTISING

No time for love and romance, ‘ika nga, si Jasmine. Kaya si Brian sa simula pa lang, bokya na.

Basta ang alam ko, “love” pa rin ng dalaga si Sam at ayaw na lang nilang ipaalam sa media.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING