Jasmine Curtis Smith, textmate na raw si Brian Poe

Jasmine-Curtis-SmithPAREHONG MAY magandang TV project ang dating magkarelasyon na sina Jasmine Curtis Smith and Sam Concepcion. Sabay ring araw ginawa ang kanilang presscon.

Si Jasmine ay bida sa TV series na My Fair Lady na isang Filipino adaptation of the 2009 hit Koreanovela na magsisimula ang airing sa Sept. 14. Si Sam naman ay part ng 8 celebrity contestants ng bagong season ng Your Face Sounds Familiar.

Sa pagharap ni Jasmine sa entertainment press, hindi na tungkol kay Sam ang napag-usapan. Mas naging interested ang press sa presence ni Brian Poe during My Fair Lady’s presscon.

Matagal na palang crush ni Brian si Jasmine at hindi na ito nakapagpigil na kilalanin at makita nang personal ang kapatid ni Anne kaya sumugod na siya sa presscon ni Jasmine. After their brief encounter, textmate na raw ngayon sina Jasmine at Brian.

Meanwhile, sina Vin Abrenica at Luis Alandy ang leading men ni Jasmine sa new series ng TV5. Kasama rin sa cast sina Marjorie Barretto, Joross Gamboa, Chanel Morales, Yayo Aguila, Jenny Miller at marami pang iba. Si Ricky Rivero ang director ng My Fair Lady.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAi-Ai delas Alas, bubuhayin ang lumang character sa Sunday show
Next articleAlex Castro, super react sa nandakma sa kanya sa Cosmo bash

No posts to display