Jasmine Curtis-Smith, sasama na sa ateng na si Anne Curtis sa Dos?

Jasmine Curtis-Smith, sasama na sa ateng na si Anne Curtis sa Dos?

Jasmine-Curtis-SmithNAGSIMULA ANG haka-haka na susundan na rin ni Jasmine Curtis-Smith ang ate niyang si Anne Curtis sa ABS-CBN nang pumayag siyang makasama sa pelikula nina Gerald Anderson at Julia Montes under Star Cinema.

Pero lahat ng ito ay itinanggi ng younger sister ni Anne. Humingi raw siya ng permiso sa TV5 para makasama sa Halik ng Hangin.

“Yes I have a special role sa movie na Halik ng Hangin. Pinaalam naman namin iyon with TV5 at pumayag naman sila. It’s just a small role but it has relevance sa movie. ‘Yun lang naman ‘yon. Wala naman akong gagawin na show with Dos because I am still with TV5.”

Pero marami pa rin ang nagdududa na lalayasan ni Jasmine ang Kapatid Network para sundan ang kapatid na si Anne Curtiz sa ABS CBN.

Para naman matuldukan na ang tsismis ay dalawang bagong show ang nakatakdang simulan ni Jasmine sa TV5.

Unang show ay dance show competition na Move It: Clash of Street Dancers, kung saan kasama niyang co-host si DJ Tom Taus na magsisimula sa January 25.

Ikalawang show ay ang Wattpad Presents: A House Full of Hunks, kung saan makakasama niya sina Vin Abrenica, Albie Casiño, Charlie Sutcliffe at John Spainhour na magsisimula sa first week of February.

Kapag tinatanong daw hanggang ngayon si Jasmine sa paglipat ng network ay natatawa na lang daw siya, lalo na’t matagal siyang nawala at hindi nga niya sinasagot ang tungkol sa naglabasang tsismis.

“Grabe, hindi lang ako nakasagot, nagbigay na sila ng conclusion. I flew back to Australia for the Christmas holidays. Kumpleto kami, kasi umuwi rin si Ate Anne. Nagkaroon kami ng reunion with our relatives. Kaya ang saya-saya ng moment. Ayokong masira ‘yun, kaya hindi ako sumasagot sa question sa akin over social media.

“Pinabayaan ko na ang management office namin ang sumagot diyan. It turned out na binitin din nila ang sagot not until ma-confirm ang mga magiging show ko with TV5.

“I am still a Kapatid and I have no complain with the project thay have been giving me,” nakangiting say pa ni Jsamine.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo