Jasmine Curtis-Smith, nga-react sa paglipat ni Ritz Azul sa Dos

ADVERTISING

Jasmine Curtis-Smith, nga-react sa paglipat ni Ritz Azul sa Dos

Jasmine Curtis-Smith
Jasmine Curtis-Smith

Nagbigay ng reaksyon si Jasmine Curtis-Smith sa paglipat sa ABS-CBN ni Ritz Azul na dating niyang kasamahan sa TV5 nang makausap namin siya sa launching ng mga programa ng D5 Studio, ang online broadcast ng TV5.

Ayon kay Jasmine Curtis-Smith, “I think, siya pa lang naman this year, right? You know what, at the end of the day, it’s where they find happiness and where they find work.

“Ako naman I’m happy with where I stand, eh. I’m enjoying everything that I’m getting here in TV5. I’ve got a very open mind in terms of ‘yang mga networks, like I don’t like being involved in network war. I think it’s so silly,” katwiran niya.

Hindi rin daw niya itinuturing na kakumpetensiya ang kahit sino kundi ang kanyang sarili.

ADVERTISING

“You’ve only got yourself to compete with, ‘di ba? That’s the saying na if you wanna be better don’t compete with others, compete with yourself first,” sabi pa niya.

Samantala, bukod sa “Ang Panday”, abala rin si Jasmine sa kanyang digital project na “Forever Sucks” kasama ang ilang stage actors.

“Ang dami na kasi talagang nanonood ngayon sa online. People are downloading applications na talagang manonood ka ng iba’t ibang series. Some people stream on line,” pahayag pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING