Jasmine Curtis-Smith may touching message para sa birthday ng kanyang Ate Anne

SOLID ang samahan ng award-winning siblings na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith. Magkaiba man sila ng istasyon at hindi na sa iisang bahay nakatira, nananatili pa rin ang kanilang closeness.

Para sa 37th birthday ng kanyang Ate Anne ay nagpost ng isang throwback photo si Jasmine kung saan kasama niya ito.

Jasmine Curtis-Smith may touching message para sa birthday ng kanyang Ate Anne
Anne Curtis and Jasmine Curtis-Smith

Post ni Jasmine, “Happiest birthday to our family’s superwoman and goat. You truly are the most admirable, chicest, and loving sestra, daughter, and mama. From wanting to get a copy of your iTunes playlist to asking for you Kdrama recos, you are my icon in so many areas. May this year bring an abundance of peace, love and joy in your life, always.”

“Looking forward to decades more of memories to make together. Thank you for making life worth living for so many of us! Keep dreaming and soaring, sestra. We will be here always cheering on! I love you.”

Agad naman itong pinusuan ni Anne at nagcomment na: “I love you so so so much sestra [heart ].”

Ngayong February 17 ay kapansin-pansin sa social media na maraming artista ang nagbibigay ng kanilang heartfelt birthday message and shout out para kay Anne Curtis, na tinuturing ng karamihan na Dyosa ng Philippine Cinema. Marami rin ang nagsasabi na magaan ito katrabaho at friendly sa lahat ng tao.

Happy Birthday to you, Anne Curtis! New movie, when?