Jasmine Curtis-Smith, kinaiinsekyuran ni Eula Caballero

Jasmine Curtis-Smith, kinaiinsekyuran ni Eula Caballero

Eula-Caballero-Jasmine-Curtis-SmithITINANGGI NI Jasmine Curtis-Smith na paborito siya ng TV5 kaya lagi siyang may project sa naturang network.

Ayon kay Jasmine, wala raw ganoong isyu dahil pantay-pantay lang ang trato sa kanilang lahat ng Kapatid Network. Nagkataon lang na mayroon siyang weekly show na Move It: Streetdance Competition at ang magsisimulang Wattpad Presents: A House Full of Hunks.

“As far as the network is concerned, lahat naman po kami, we all have different project. Hindi naman po ako favorite. It just so happen na after Move It, started. Heto naman ang Wattpad Presents episode.

“Saka hindi naman po ako parating nabibigyan ng sunud-sunod na projects. The last series I did was Undercover and that was in 2013 pa. I did Jasmine, but last year pa siya natapos.

“The very last show I hosted was SPINNation and that ended last year din. Tapos ‘yung first Wattpad episode ko was also last year. Kaya there are months din na wala akong ginagawa for TV5.”

Dahil sa isyung “paborito” ay naintriga tuloy ang kapwa niya Kapatid star na si Eula Caballero na nai-insecure daw sa kanya.

“That is not true because Eula is a very good friend. We always keep in touch and share a lot of girl talk. And knowing Eula, she is not an insecure person. Magaling siyang artista and TV5 has plan for her naman. Alam ni Eula how much I love her being my friend,” nakangiting say pa ni Jasmine.

One thing na natuklasan kay Jasmine, bukod sa magaling umarte ay magaling din itong sumayaw. Ayon kasi sa isa sa mga naging hurado ng streetdance competition na Move It, kung saan host si Jasmine at co-host niya si Tom Taus, may ibubuga raw sa dance floor ang younger sister ni Anne Curtis.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo