Jasmine Curtis-Smith, excited kay Robin Padilla

ADVERTISING

Jasmine Curtis-Smith, excited kay Robin Padilla

Jasmine-curtis-SmithHINDI NGA naitago ni Jasmine Curtis-Smith ang kasiyahan nang makasama sa trabaho si Robin Padilla sa kanyang Jasmine na napapanood every Sunday at 5:00 pm at replay at 10:00 sa TV 5.

Dahil sa kasiyahan, kaagad ipinost ng utol ni Anne Curtis sa social media ang pakakasama ng sikat na action star sa kanyang TV series na kaagad namang nakakuha ng positive reaction sa kanyang online fan base.

Magsisimula ang role ni Robin simula ngayong Linggo as Julius Jacinto, isang magaling na pulis na nawalan ng tiwala sa sistema ng kapulisan matapos siyang matanggal dahil sa pag-iimbestiga sa kaso ng isang tiwaling pulitiko.

Dahil dito, naging lasenggo si Jacinto pero muling bumangon para hanapan ng katarungan ang pagkamatay ng matalik na kaibigan.

ADVERTISING

Sa mga nagtatanong kung si Jacinto (Robin) na raw ba ang tutulong kay Jasmine para hanapin si Maskara?

Napailing si Jasmine at sabay sabi, “Sana abangan nila ang bawat episode ng serye. Grabe! Ang galing ni Robin. May eksena talagang matatakot ka sa kanya. Thankful ako, napapayag siyang mapasama sa cast.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING