Jasmine Curtis-Smith, deadma sa isyu nila ng boyfriend ng kanyang Ate Anne Curtis

ADVERTISING

Jasmine Curtis-Smith, deadma sa isyu nila ng boyfriend ng kanyang Ate Anne Curtis

Jasmine Curtis-Smith, deadma sa isyu nila ng boyfriend ng kanyang Ate Anne CurtisJasmine Curtis-Smith is not at all bothered sa pamba-bash sa kanya just because of her intriguing photo with Erwan Heussaff.

ADVERTISING

The photo became controversial because it showed Erwan kissing Anne Curtis’ younger sister. Netizens found it very offensive, hindi magandang tingnan kasi kapatid ni Anne ang hinahalikan ni Erwan. Marami ang nasagwaan sa nasabing shot na lumabas sa social media.

Actually, kuha ang photo sa pool party to celebrate Erwan’s birthday.

“Ang kuwestiyon ko lang ay kung paano naging ganoon ang isip ng mga tao,” Jasmine Curtis-Smith mused sa presscon ng “Ang Panday” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Jasmine plays one of Richards’s leading ladies sa obra maestra ni Carlo Caparas sa direksyon ni Mac Alejandre.

ADVERTISING

Erwan was just cool about it. Pareho sila ni Anne Curtis. They were amused why people made a big fuss about it.

“Wala, natatawa lang din siya (Erwan). Si Ate Anne, natawa lang din. ‘Yun nga, people didn’t understand the dynamics of what actually happened. With the screen shot, not the entire video taken, it can be interpreted in so many ways, so I can’t blame people,” say ni Jasmine.

With the controversial photo, Jasmine was asked if she’ll become careful now with her posting. Sa Snapchat kasi niya nagsimula ang controversial photo, ‘no!

“I’ve always been conscious but I’m not playing it safe. I don’t have to worry about what people will think because I know naman that I’m not doing anything wrong,” say ng dalaga.

But she admitted, though, na affected much ang kanyang madir. Marami kasi ang bumatikos sa dalaga, kaliwa’t kanang criticisms ang inabot niya kaya hindi nakatiis ang kanyang mother dear who came to her rescue. Nagtaray talaga ang madir niya sa bashers niya.

“Siyempre, kung ate ko nga naapektuhan kapag pinagsasabihan ako, what more ‘yung nanay ko pa. Siyempre magiging defensive ang mama ko kasi mahal niya ako,” say ni Jasmine.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING