Jasmine Curtis-Smith, binasted agad ang anak ni Sen. Grace Poe?

ADVERTISING

Jasmine Curtis-Smith, binasted agad ang anak ni Sen. Grace Poe?

Jasmine-Curtis-SmithSA PRESSCON ng Resureksyon, iginiit ni Jasmine Curtis Smith na hanggang friendship lang muna ang kaya niyang i-offer sa manliligaw na si Brian Poe Llamanzares.

ADVERTISING

Mas type muna raw niyang maging single at pagbuhusan ng panahon ang kanyang career.

“Actually, it’s not just him (Brian). You know, I think, for me to lie and entertain other people, it would be unfair on them because I can’t reciprocate the effort and the time with what I want to do right now,” katwiran niya.

Nakausap na rin daw niya si Brian, pero siyempre, hindi niya binanggit ang tungkol sa desisyon niya. Ayon pa sa dalaga, she finds Brian a very intelligent guy.

ADVERTISING

“He’s someone I can see myself being friends with,” sey pa niya.

Ibig bang sabihin, basted na sa kanya si Brian?

“Grabe naman. Well… I wouldn’t say, I just… we’re friends,” reaksyon niya.

Sa palagay ba niya, tanggap ni Brian na friends lang sila?

“He understands where I’m coming from. He knows na I’m very, very busy and we both know naman na I guess, our priorities as well,” sagot pa niya.

Kasama ni Jasmine sa Resureksyon sina Isabelle Daza, Paulo Avelino, Alex Castro, at John Lapus. Ito ay sa direksyon ni Borgy Torre at showing na sa Sept. 23.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING