Janno Gibbs, todo-push sa themesong nila ni Manilyn Reynes

ADVERTISING

Janno Gibbs, todo-push sa themesong nila ni Manilyn Reynes

Manilyn-Reynes-Janno-GibbsPINU-PUSH NI Janno Gibbs na kapag magpo-promote sila ni Manilyn Reynes ng bago nilang seryeng My BFF, kakantahin nila ang ‘Always’ na masasabing theme song ng loveteam nila noon.

Kapag narinig daw ang nasabing kanta, makokonek na raw kaagad sa mga sumubaybay sa loveteam nila noon. Kaya lang marami ang nagulat nang pakasalan ni Janno si Bing Loyzaga at nagalit lalo ang mga Mane at Janno fans.

Pero ngayon daw ay okey na sina Mane at Bing. Ganoon din ang mister ni Mane na si Aljon Jimenez.

“Sabi ko nga sa time ng buhay namin, perfect ‘yung show. Nakatutuwa kami dahil maghapon kaming magkatrabaho, kapag walang take, nandiyan na ‘yung parang throwback na parang nagsusumbatan kami, na natatandaan mo ba noong nag-away tayo? Tapos nakalilimutan naming naka-lapel pala kami. Kaya ‘yung mga co-star namin, parang… ganito pala’ng dalawang ito,” tsika ni Janno.

ADVERTISING

Sabi pa ni Janno, “Ako kasi, feeling ko kasi sa career ko, big deal si Manilyn. Sikat na siya noon. Tapos palagi ring sinasabi sa akin na magsama kami, pero palagi akong tumatanggi hanggang sa dumating ito, kasi naghihintay ako ng magandang project for us.”

 

NAKATULONG NANG malaki kay Senator Bong Revilla ang pagiging malapit nito sa ating Panginoon kaya kahit may problemang dinadala dahil sa pagkakasangkot sa PDAP ay guwapo at relax pa rin ito. Nakatulong din kay Senator Bong at pamilya nang magpunta sila sa Holy Land.

“Tinalaban kaming lahat sa sinasabi ng kasama naming pari sa buong araw ng pagpunta namin sa Holy Land. Feeling namin, we were all reborn,” say ni Marlon, utol ni Senator Bong na sumama rin sa pagpunta sa Holy Land.

Naikuwento rin ni Marlon na ‘yung movie entry sana nila last year sa Metro Manila Film Festival na hindi natapos kaya naudlot isama. Ngayon naman, ‘di pa raw nila masiguro kung isasali nila ang movie ni Bong sa MMFF.

Samantala, sigurado at walang puwedeng pumigil ay ang Kap’s Amazing Stories ni Senator sa GMA 7, na 10:15 ng umaga na mapapanood sa Kapuso Network tuwing Linggo.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING