Janno Gibbs nagkaroon ng reservations bago gawin ang sex comedy film na ’69+1′

Leo Bukas

AYON kay Janno Gibbs, ang pelikulang 69+1 ang maituturing niyana pinaka-daring na pelikulang ginawa niya sa kanyang entire career. Ito ang kanyang inamin sa amin sa ginanap na digital mediacon ng latest movie ni Direk Darryl Yap sa Viva Films.

“This is my first… and this is my most daring role that I’ve done. Most of the movies I’ve done  are  comedy, medyo naughty  but ito, mas level up,” pag-amin ni Janno.

Janno Gibbs nagkaroon ng reservations bago gawin ang sex comedy film na '69+1'
Janno Gibbs

Ang 69+1 ay tatalakay sa itinuturing na taboo topic about polyamory or trouple na normal lang na nangyayari sa ibang western countries.

Kuwento ito ng isang lesbian couple (played by Maui Taylor and Rose Van Ginkel) na gustong mag-explore ng bagong adventures in their seven-year-relationship.

Aminado naman ang tinagurian King of Soul na nagkaroon siya ng reservations bago tanggapin ang pelikula.

“Of course at first I had my reservations, dahil  medyo sensitive yung material. But the key is Darryl Yap at pagsinabi  mong Darryl Yap siguradong maganda,” confident niyang pahayag.

May threesome love scene si Janno kina Maui at Rose Van sa 69+1 pero sinigurado ng aktor na trabaho lang ito at wala talagang malisya.

“May love scenes na kaming tatlo ang magkakasama, but the thing is, it’s all presented in a comedic way kaya mas nakampante ako. Hindi naman siya yung serious na sexy,” kuwento  ng komedyante.

“Sa shooting naman, shooting those scenes was comfortable enough because the three of us know each other. We’ve worked together before at medyo naging friends na rin kami.

“They’re very professional, sobrang daling gawin ‘yung scenes because they’re one hundred percent dedicated to the film.

Janno Gibbs nagkaroon ng reservations bago gawin ang sex comedy film na '69+1'
Maui Taylor, Janno Gibbs and Rose Van Ginkel in ’69+1′

“Sa totoo lang, kapag nandoon ka na…  artista lang ang makakaintindi nito. Kapag nandoon ka na sa eksena na sensitive, naka-focus ka kasi maraming camera ang nakatutok sa ‘yo.

“Maraming tao ang nanonood, maraming ilaw, so hindi ka na makakaramdam ng malisya. Ikaw ba, makakaramdam ng malisya, ang daming nakatutok?” balik-tanong niya.

Mapapanood sa Vivamax at sa iba pang streaming platforms ang 69+1 simula September 3, 2021.