Janno Gibbs, itinangging hiwalay na kay Bing Loyzaga

Janno Gibbs, itinangging hiwalay na kay Bing Loyzaga

Janno-GibbsITINANGGI NI Janno Gibbs ang balitang hiwalay na sila ni Bing Loyzaga. Magkasama pa rin daw sila sa iisang bubong with their kids.

“Walang katotohanan hiwalay na kami. Magkasama pa rin kami sa piling ng aming dalawang anak. Hindi lang siguro kami napagkikita na magkasamang dalawa,” pahayag ni Janno.

Ang totoo at hindi niya itinatanggi ay nang isang araw ay magising siya na ayaw na niyang maglalabas ng bahay. Na-frustrate lang raw siya sa kanyang showbiz career, isama pa ang pagiging mataba niya. Kinausap siya ng kanyang ama at hindi nawala ang suporta sa kanya ng pamilya para siya magtrabaho muli.

Inamin din ni Janno na naging malaking bagay sa kanyang showbiz career ang ginawang paglipat ng kaibigan na si Ogie Alcasid sa TV5. Magmula raw kasi nang mawala si Ogie sa GMA 7 ay sa kanya ibinigay ang mga dapat sanang ang kaibigan ang gagawa, tulad ng pagsusulat ng kantang gagawing theme song ng serye ng Kapuso Network.

“Thank you pare (Ogie) sa pag-alis mo. Hahaha! Joke lang po,” say ni Janno.

Ngayon ay seryoso na uli si Janno sa pag-arte at paggawa ng mga kanta. At hindi na raw niya babalikan ang mga hindi magagandang nangyari sa kanyang buhay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo