Janno Gibbs, imposible talagang makatuluyan si Manilyn Reynes

ADVERTISING

Janno Gibbs, imposible talagang makatuluyan si Manilyn Reynes

1 Manilyn-Reynes-Janno-GibbsNAKAKALOKA, HA?! Hindi na ako halos makalabas ng bahay dahil kailangan hindi ako dapat ma-late ng uwi.Hindi ko puwedeng i-miss ang My Love From The Star na malapit nang matapos. Alam ko isang linggo na lang matatapos na ito kaya lalong bumobongga ang takbo ng kuwento.

Pagkatapos ng My Love From The Star, papalitan ito ng bagong family drama ng GMA 7 na My BFF. Bida rito ang dalawang child wonders ng Kapuso network na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.Nagdagdag pa rito ang pagbabalik ng loveteam nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes.

Nu’ng presscon nga nito, naungkat na naman ang love affair nu’n ng dalawa. Inamin naman ni Janno na tingin daw niya nu’n malabo silang magkatuluyan ni Mane dahil wala raw silang ginawa nun kundi away lang ng away.

Bata pa kasi sila nu’n, at kainitan pa ng career nila kaya malabo talaga silang magseryoso sa kanilang lovelife.

ADVERTISING

At least maganda naman ang kinalabasan ng kanilang married life dahil napunta si Janno kay Bing Loyzaga at kay Aljon Jimenez naman si Manilyn. Hindi lang ako sure sa pagsasama nina Janno at Bing. Pero ‘yung kina Manilyn, mukhang masaya naman sila dahil tahimik lang si Aljon at mukhang wala na itong balak na balikan ang showbiz.Happy na raw siya sa pagma-manage kay Manilyn at sa pag-aasikaso sa negosyo nila.

Mas okay na nga siguro ang ganu’n na isa sa kanila ang dapat na maiwan sa showbiz. Kay Manilyn na ipinaubaya ni Aljon ang showbiz dahil mas promising nga naman ang showbiz career ni Mane kesa sa kanya.

Anyway, sa June 30 na magsisimula ang My BFF na mapapanood bago mag-24 Oras.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING