Janine Gutierrez on being a Kapamilya: ‘I’m happy that everything has fallen into place’

OPISYAL na ipinakilala bilang isang bagong Kapamilya si Janine Gutierrez kahapon, January 24, 2021 sa ‘ASAP Natin ‘To’ ipagkatapos maging exclusive talent sa Kapuso Network ng isang dekada.

Bilang opening salvo niya sa pagiging isang ganap na Kapailya, inawit ni Janine ang classic hit ng OPM band Hotdog na “Panaginip” kasama sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano at Martin Nievera.

Janine Gutierrez on being a Kapamilya: ‘I’m happy that everything has fallen into place’
Janine Gutierrez

“I am so happy to be here with all of you. Thank you so much for the warm Kapamilya welcome,” sambit ng dalaga pagkatapos ng kanyang live performance.

“This is the first time I’ve been inside a studio here. Surreal, parang panaginip talaga. I am just so happy that everything has fallen into place. It’s a new year, new opportunities.” dagdag nito.

Isa nang regular co-host ng “ASAP Natin ’To” si Janine, na sakto rin dahil ipapalabas na rin ito sa TV5.

Ginulantang ng mestiza actress ang mga fans sa kanyang desisyong paglipat sa ABS-CBN lalo na’t hindi pa renewed ang prangkisa nito. Huling napanood si Janine Gutierrez sa afternoon series na ‘Dragon Lady’.

 

Para sa nakararami, magandang career move ito para kay Janine lalo pa’t dumarami na ang movie projects nito pagkatapos manalo ng Best Actress last year para sa ‘Babae at Baril’.

Tatlong pelikula na ang natapos ni Janine na hinahanapan na lang ng playdate: Ang ‘Ngayon, Kaya?’ with Paulo Avelino; Dito at Doon with JC Santos at isang indie film kasama sina Enzo Pineda at Pink Amador.

Teka… true kaya na siya ang napipisil na gumanap bilang Valentina? Mas gusto ‘ata namin ng bidang Valentina!