Janine Gutierrez, may tiwala sa BF na si Elmo Magalona na lumipat na sa Dos

ADVERTISING

Janine Gutierrez, may tiwala sa BF na si Elmo Magalona na lumipat na sa Dos

Janine-Gutierrez-Elmo-MagalonaFirst Movie pala ni Janine Gutierrez ang MMFF 2015 entry na “Buy Now, Die Later” mula sa Quantum Films. Excited ang dalaga dahil for the first time, sasakay siya sa float during the parade na dati-rati ay pinanonood lang niya.

Sa pelikula, makakasama niya ang inang si Lotlot de Leon na minsan na rin niyang nakasama sa isang drama anthology na ang tatlong henerasyon ng mg artista: siya, si Lotlot, at si Nora Aunor ay nagsama-sama.

With his project, napatunayan niya na mahirap pala talaga ang paggawa ng pelikula kumpara sa pag-arte niya sa telebisyon.

“Short lang ang mga sequences in one day, pero inuulit-ulit ang scenes dahil ang camera ang magka-capture ng movement ng artista,” kuwento niya. “I enjoyed working in this film.”

ADVERTISING

Ngayon na pansamantala ay inihiwalay siya sa true to life boyfriend niya na si Elmo Magalona (he is now with ABS-CBN) ang reel love team nila ay wala na.

Hindi kaya siya natatakot na matuluyan ang hiwalayan nilang ito na kadalasan sa hindi, ang mga ka-love team ng mga artist sa pelikula or teleserye nila ang nade-develop at ang tunay na relasyon nila ay tuluyang dahan-dahang nawawala?

Kampante si Janine. “I trust him,” sabi ng dalaga

Si Elmo, ipapareha kay Janella Salvador sa bagong serye ng binata sa Kapamilya Network na ngayon ay nagsampay-bakod na sa Sgt. Esguerra na magsisimula na sa 2016.

 

ANG ILANG mga entertainment reporters talaga hindi pa magkasya at matuwa at naimbitahan sila sa pasiklab Christmas Party na “matuwid” ng mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas na ginanap sa sa isang bagong hotel sa Cubao.

Umuwi na nga sila na may P2,000 sa mga reporters at P3,000 sa mga editors ayon sa kuwento ng isang dumalo na pakimkim ng mag-asawa bukod sa pa-raffle na cash ranging from P1K at 3K at may DVD player, at ilang appliances na komentaryo ng iba, hindi pa ibinuhos nang husto ng mag-asawa.

Say ng isang manunulat na girl (‘yong totoong girl, ha?) na present sa event: “Nagparamdam na nga sila, hindi pa nilubos. Kapag naupo naman ‘yan babawiin din nila ‘yan.”

Naging laughing joke nga ang mala-“sing-along” na paandar nina Mar at Korina na naki-jam din ang kaibigang politiko ni Mar na sa sobrang trapik na hindi maresolba ng pamunuan ng matuwid na daan; gusto ng mga invited press ay matapos na at sila naman ang magdurusa pauwi.

In the end, sa kahihintay ng mga imbitado, ngangey raw sila sa additional at pa-bonus raffle at give aways ng mag-asawa na inaasa-asam nila.

Kinabukasan, may pasiklab din si Cong. Sherwin Gatchalian ng Valenzuela na tumatakbo for a higher position, na ayon sa kuwento ng isang beki na invited ay may P3,000 datung at hamon sa mga dumalo.

Supporter pala ni Sherwin si Mother Lily na rason kung bakit sa Valencia Events Place naganap ang “ganap”.

Waley impact naman sa mga press people na nakausap namin ang paandar nina Atty. Lorna Kapunan, VM Isko Moreno, at itong si Congressman Romulo na imbes mapalapit sa mas nakararaming entertainment reporter ay itinago at ilan lang ang nakikinabang sa ambon ng mga ito.” Itago na lang nilang tatlo kung ano man ang intensyon nila sa 2014, total ang taumbayan, hindi naman sila kilala sa pangkalahatan,” pagsisintir ng isang beki reporter.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING