Janine Gutierrez host na ng ASAP sa simultaneous broadcast nito sa TV5

Leo Bukas

MAGIGING bahagi na ng ASAP Natin ‘To bilang host ang bagong Kapamilya star na si Janine Gutierrez. Ito ang magiging kauna-unahan niyang show sa Kapamilya network pagkatapos niyang pumirma ng kontrata noong January 15.

Isang maituturing na milestone ang paglipat ni Janine sa ABS-CBN at pagiging part ng ASAP Natin ‘To dahil mapapanood na sa Sunday, January 24 ang ASAP sa TV5.

Janine Gutierrez host na ng ASAP sa simultaneous broadcast nito sa TV5
Janine Gutierrez

Ani Janine, “I’m so excited to work with all the Kapamilya actors, director. And I am really looking forward to this new year and I’m in a new home so sobrang grateful ko sa ABS-CBN.”

Katuwang ng TV5 at ABS-CBN ang CIGNAL at Brightlight Productions sa simultaneous na pagpapalabas ng ASAP tuwing Linggo ng tanghali.

“This collaboration between CIGNAL, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership,” pahayag ni Robert P. Galang, president and CEO of Cignal and TV5, in a statement released by ABS-CBN.