Janine Gutierrez at Elmo Magalona, mas swak sa bagong serye

ADVERTISING

Janine Gutierrez at Elmo Magalona, mas swak sa bagong serye

1 Janine-Gutierrez-Elmo-MagalonaIBA KAPAG may touch ng katotohanan. Mas effect at makikita mo sa screen na ang pa-tweetums nila ay tagos sa puso kaya malaki ang nagagawa kapag ang magka-loveteam ay slightly or personally involved sa isa’t isa. Iba kasi kapag may touch ng real romance ang magkapareha na they portray a role or character na “romantically” committed sila.

Hindi man kailangan or dapat; pero mas maganda kung ganito ang timpla na ang mga artista sa isang rom-com ay love nila ang isa’t isa. Kung magalung ka namang artista, oks lang na sa totoong buhay ay hindi kayo romantically-committed sa isa’t isa or kayo ang mag-on, just like sa kaso nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na super click ang tambalan ng dalawa kahit hindi talaga sia magkarelasyon.

Sa kaso nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, tila swak ang dalawa sa kanilang mga karakter sa bagong primetime teleserye ng Kapuso Network na More Than Words na magsisimula na sa Lunes, bago mag-24 Oras.

One reason kung bakit hindi masyadong kinagat noon ang tambalang Elmo at Julie Ann San Jose, alam kasi ng fans (knowing them), hindi naman romantically involved ang dalawa. Ang dalaga, loveless. Si Elmo naman was committed kay Lauren Young na very vocal ang binata na silang dalawa ni Lauren kaya kahit papaano, nakaapekto ito sa marketing at promotion ng serye (at pati pelikula nila) gayong ang tema ay tungkol sa young love.

ADVERTISING

Kaya nga with the new serye, timing lang ang pag-amin nina Elmo at Janine na “sila” prior to the promotion ng serye na isang light romance na swak na swak sa mga personal na karakter ng dalawa.

Para sa amin, it helps a lot promoting a romance serye or film kung ang mga bida ay romantically involved (exemption sina JLC at Bea).

Sa bagong serye, kasama ang nagbabalik na si Leni Santos (sikat na teenstar of the 80’s) with Rey PJ Abellana (na ama ni Carla Abellana) na super hot ang loveteam nilang dalawa noon.

I just don’t know kung noon ay romantically linked sila or pang-showbiz lang ang ka-sweetan nilang dalawa, pero nagbigay ito ng magandang suwerte sa kani-kanilang mga careers.

Speaking of Elmo and Janine, this time, ang pagiging sweet ng bagong tambalan on screen at off screen at tipong totohanan na dahil panay ang hawak ni Elmo sa bewang ni Janine habang ini-interview sila na hindi naman umaalagwa or naaasiwa ang dalaga. ‘Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING