Janine Gutierrez, Best Actress sa 43rd Gawad Urian; ‘Babae at Baril’ hakot-award!

ADVERTISING

IBINUNYAG NA ang mga nanalo sa 43rd Gawad Urian  kahapon, November 14 at ang 2019 QCinema Film Festival entry na ‘Babae at Baril‘ ang humakot ng mga bonggang parangal including Best Picture, Best Director,Best Actress at marami pang iba.

Bida sa ‘Babae at Baril’ ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez, na siya rin hinirang na Best Actress sa 2019 QCinema Film Festival. Ito ang kauna-unahang Best Actress trophy ng aktres kaya naman marami ang natuwa para sa kanya at trending pa nga ang pangalang ‘Janine’ kagabi sa Twitter.

ADVERTISING
Janine Gutierrez, Best Actress sa 43rd Gawad Urian; 'Babae at Baril' hakot-award!
Janine Gutierrez in ‘Babae at Baril’

Ilan sa mga tinalo ni Janine para sa Best Actress Award ay ang mga crowd favorites na sina Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye), Nadine Lustre (Ulan), Alessandra de Rossi (Lucid) at Bela Padilla (Mananita). Pati ang mga veteran character actors na sina Jean Garcia (Watch Me Kill), Ruby Ruiz, (Iska), Max Eigenmann (Verdict), Angie Ferro (Lola Igna) at Sue Prado (Alma-Ata).

Ang bongga ni Janine, ha! Hindi basta-basta ang tinalo niya. Mas maganda kung maging available sa Netflix o mas malalaking video streaming sites ang pelikulang ito para malaman ng mga tao kung bakit deserving ito sa kanyang parangal.

Nakuha rin ng ‘Babae at Baril’ ang tropeyo para sa Best Cinematography, Best Production Design at Best Editing.

ADVERTISING

Narito ang kumpletong listahan ng 43rd Gawad Urian Winners:

  • Best Picture: Babae at Baril
  • Best Actor: Elijah Canlas (Kalel, 15)
  • Best Actress: Janine Gutierrez (Babae at Baril)
  • Best Supporting Actor: Kristoffer King (Verdict)
  • Best Supporting Actress: Yayo Aguila (Metamorphosis)
  • Best Direction: Rae Red (Babae at Baril)
  • Best Screenplay: Jun Lana (Kalel, 15)
  • Best Cinematography: Tey Clamor (Babae at Baril)
  • Best Documentary: Miko Revereza (No Data Plan)
  • Best Short Film: Carla Pulido Ocampo (Tokwifi)
  • Best Production Design: Eero Yves Francisco (Babae at Baril)
  • Best Editing: Ilsa Malsi (Babae at Baril)
  • Best Music: Jude Gitamondoc, Cindy Velasquez, Cattski Espina (Huwebes, Huwebes)
  • Best Sound: Mikko Quizon, John Michael Perez, RJ Cantos (Mañanita)

    Congratulations sa lahat ng nanalo!

ADVERTISING