Janine Desiderio, pinatulan na ang bashers ng anak si Janella Salvador

Janine Desiderio, pinatulan na ang bashers ng anak si Janella Salvador

Janine-Desiderio-Janella-SalvadorKARAPATAN NAMAN siguro nitong si Janine Desiderio the mother of Janella Salvador na magsalita kung hindi na maganda ang lumalabas na tsika o balita laban sa kanilang mag-ina. Kaya naman hindi napigilan ni Janine na sagutin ang mga bashers nilang mag-ina.

Ibig sabihin, na iniintriga na ang kanyang anak ay totoong sikat na nga ito. Marami na ang inggit. Sabi nga ‘yang kasikatan ni Janella ay kakambal ang intriga.

Nang i-text ka namin si Janine kung kumusta na siya after ng mga pamba-bash sa kanila na kinukuwestiyon ang pagkatao ni Janella, ‘di na niya papigilan na sagutin. Hanggang pinost na nga niya pati ang birth certificate ng kanyang anak.

Iniintriga na nga silang mag-ina.

“Oo nga, e. Pati ako na nanahimik, kung anu -anong iniimbento, siguro sa isip nila, makaaapekto kay Janella. E, sana kung maninira sila ‘yung totoo para effective, ‘di ba?” sey niya.

“Hay, ‘di naman ako mapagpatol, I just had to correct it, kasi public siya and it’s a big misinformation that maligns our (esp mine) respectability.”

Kilala naman namin si Janine na hindi mapagpatol. Iba nga ang nanay, ipagtatanggol ang anak sa anumang laban.

‘Yun na…

 

MABILIS NGA ang pagsulong career nitong direktor na si Enzo Williams. After na makasali sa MMFF ang kanyang Bonifacio: Unang Pangulo at maghakot ng mga awards pati sa Star Awards for Movies kamakailan lang, dahil nga tinanghal siyang Best Movie Director, tuluy-tuloy na ang magagandang offers na dumarating sa kanya.

Nandiyan ang Regal Films at Star Cinema. So, ibig sabihin ay hindi nagkamali ng career na pinili ang guwapong director.

At balita nga namin ay may project din siyang gagawin with prime actor ng GMA 7 na si Dingdong Dantes.

Napag-alaman din namin na si Direk Enzo ay isang true blooded Noranian.

Good luck, Direk…

 

GUSTO KO nga palang i-congratulate ang anak ng aming idolo na si Maribel Aunor na si Marion Aunor sa kanyang birthday show sa Teatrino na may titulong “Take A Chance”.

Puno ang venue at talaga namang ipinakita ni Marion ang kanyang bonggang performances.

Naitanong din namin sa kanya kung ano ang kanyang birthday wish.

“Nangyari na, (concert). Boyfriend, hahahahahah!” sey pa ni Marion.

Abangan ang next concert at sana sa isang big venue naman.

Segue na rin, may concert si Michael Pangilinan sa same venue tonight na. At dito ipakikita na naman ng bagong Kilabot ng Kolehiyala ang kanyang husay pagdating sa live concert.

Tiyak na puno rin ang Teatrino dahil nga malaki na ang following n Michael.

Kitakits…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!