Janice de Belen, nasira nang husto sa hiwalayang Gerald Anderson- Maja Salvador

Janice de Belen, nasira nang husto sa hiwalayang Gerald Anderson- Maja Salvador

Janice-de-BelenNASIRA NA siya. Nawarak na si Janice de Belen dahil sa isyung hiwalayan nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Wasak na wasak na. May hatol na ang publiko tungkol sa kanya. Siya ang babaeng dahilan ng hiwalayan ng dalawa, ayon sa kumalat na tsismis.

Ano nga ba ang magagawa niya kung ang dalawa (Maja at Gerald) ay manahimik lang at hindi siya ipinagtanggol. Si Janice kasi ang itinuturo sa split-up ng mag-sing-irog na last December lang akala mo ang kanilang pagmamahalan ay panghabambuhay at akala ko nga ay tuluy-tuloy na hanggang sa pagharap ng altar ng aktres.

Ngayon heto’t nag-split ang dalawa na until now ay hindi pa rin malinaw kung ano ba talaga ang dahilan dahil parehong ayaw magsalita kung ano ang dahilan. Habang si Janice, siya ang nakakintal sa isipan ng publiko na may kasalanan.

Naging close sina Janice at Gerald nang gawin ng dalawa ang teleseryeng Budoy, kung saan Janice played the role of Gerald’s mom.

I just wonder why it took Gerald more than two-three weeks to say his piece and make it clear na si Janice was not involved sa split up nila ni Maja. Is it fair? No. Talong-talo si Janice.

Nagtataka lang ako kung nasaan ang balls ni Gerald para sabihin that Janice was not the reason.

Now, sa isang interview kay dalaga recently bakit ngayon lang siya nagsalita (after almost a month of waiting) and clear things out that Janice is not involved sa hiwalayan nila ni Gerald.

Paglilinaw ni Maja sa issue: “Nanay ko naman ‘yon… kung meron akong dapat sagutin, ‘yon, let’s respect her. I love her so much.”

Bakit ang tagal ng paglilinaw?

“I love you, Mommy (Janice),” who portrayed the role of her mom sa isang teleserye noon ng Kapamilya Network na Ina, Kapatid, Anak.

I just hope sa press launch ng pelikula niyang You’re Still the One nina Dennis Trillo at Richard Yap ay linawin na niya ang dahilan ng hiwalayan nila ng binata para matapos na ang isyu.

Reyted K
By RK VillaCorta