Janice de Belen, napasasama sa pakikipagkaibigan kay Gerald Anderson

Janice de Belen, napasasama sa pakikipagkaibigan kay Gerald Anderson

Janice-de-BelenKAWAWA NAMAN si Janice de Belen na siya ang pinuputukan sa hiwalayang Gerald Anderson and Maja Salvador. Siya ang tinutukoy ng mga blind items sa mga gossip columns kung bakit naghiwalay ang akala namin ay “love made in heaven” na relasyon ng dalawa.

Matagal na ang tsismis na ito. Hindi ito ang una. Mula nang maging close ang aktor at ang “nanay-nanayan” niya nang magsama ang dalawa sa teleseryeng Budoy noong 2011, binigyan ng malisya ng mga miron ang friendsip ng dalawa.

Tuloy ang tawag sa Janice-Gerald “friendship” ay May-December affair daw gayong wala namang affair.

Oo nga’t hiwalay at isang single mom ang aktres at ang mga anak niya ay halos kaedad na rin ng aktor; very off ang tsismis na parang walang basehan porke’t close ang “mag-ina” na kahit matagal nang tapos ang serye ay on going pa rin ang pagiging malapit sa isa’t isa.

Mas malaking katsipan kung ang isyung Gerald Anderson-Janice de Belen “love” angle ay promo spin ng bagong seryeng Nathaniel na napanonood pagkatapos ng TV Patrol, kung saan si Gerald, kasama si Shaina Magdayao, Ogie Diaz, Fifth & Fourth Solomon, at Isabelle Daza ay bahagi ng inspirational serye ng ABS-CBN.

Matagal bago napa-react si Janice. It’ because it’s not Janice. Very off naman kasi na sa estado ng aktres na disente ay ma-involve sa ganitong katsipan. Sa kanyang Instagram post, nagtaray na siya, “Rumors are carried by haters, spread by fools, and accepted by idiots.”

Sa kanyang huling pahayag tungkol sa isyu sa kanyang IG posting, wika ng aktres, “Never judge someone by the opinion of another.”

Reyted K
By RK VillaCorta