Janice de Belen, kontrabida sa bagong serye

ADVERTISING

Janice de Belen, kontrabida sa bagong serye

Janice de Belen, kontrabida sa bagong serye

MUKHANG ISA sa favorite stars ngayon ng ABS-CBN 2 ay walang iba kungdi itong si Janice de Belen. Mukhang hindi siya nababakante sa ngayon. Bukod nga sa meron siyang weekly showbiz talkshow  ay may kasunod na ang kanyang Budoy na rito nga nakita ang kanyang galing sa aktingan. Dito kasi siya nominado ngayon sa darating na Star Awards for TV bilang Best Drama Actress.

Kasama siya ngayon sa Ina, Kapatid, Anak at very challenging daw ang kanyang role dito dahil nga isa siyang kontrabida. Malayung-malayo sa dating role sa Budoy.

Makikipagtagisan si Janice kina Cherry Pie Picache at Pilar Pilapil sa mga mabibigat na aktingan.

ADVERTISING

Andiyan pa sina Maja Salvador at Kim Chiu.

 

SINAGOT NI Gov. ER Ejercito ang kumakalat na tsismis na kesyo siya ang itinuturong ama ng isinilang ng bokal ng Laguna na si Angelica Jones.

At ayon nga sa kanya, kilala ang mga Ejercito na hindi tumatalikod sa responsibilidad. Lalo nga at ito ay tungkol sa mga anak. Kahit pa sabihin na may mga babae sila, hindi sila tumatalikod pagdating sa kanilang mga naanakan.

Sa ngayon ay nasa partido pa rin ni Gov. si Angelica, at sila ay magtutulungan pa rin pagda-ting sa kampanya.

Kaya naman hin-

di true na  sila ay nagkaroon ng relasyon. Magkaibigan lamang daw sila.

Kahit may tsikang kamukha niya ang bata ay tinatawanan lamang niya ito. Maganda pa rin daw ang samahan nila ni Mayor Maita Sanchez.

“Three time a week pa rin ang sexlife naming dalawa,” pahayag niya.

At ‘yon daw ang nagpapabata sa kanila. At ‘yon ang kanilang sikreto. Sa edad na 49 ay mahusay pa rin daw ang kanilang sexlife. ‘Yun na !

 

BLIND ITEM: Knows n’yo ba kung sino itong actor-politician na pinag-uusapan ngayon ang kanyang gender dahil nga kapag nagpapa-massage siya sa isang masahihan ay ang lalaking guwapo at matipuno ang katawan ang kanyang gustong mag-massage sa kanya. Suki kumbaga.

May mga babaeng masahista naman daw na magagaling pero ‘yung si lalaki ang type na type niya. Kaya hayun, kuwestiyonbale na ang kanyang gender.

Naku, para malaman n’yo ang totoo, go kayo sa may QC area at du’n ay malaman kung sino ang bida natin? Ask n’yo na lang si Masahista. At I’m sure, nagtsitsika rin ito. If the price is right…

May drama na lalaki pa kasi ito kahit na marami na ang nagsasabing dapat mag-out na siya. At ang type pala niya ay lalaki. At ‘yon ang kanyang hanap-hanap.

 

HINDI NA raw matutuloy ang merger ng TV5 at GMA-7, o ang pagbili ng grupo ni Manny V. Pangilinan sa GMA-7. How true?

‘Yan ang abangan… I’m sure ang ABs-CBN 2 ang natutuwa sa nangyari.

Ang malaking tanong, bakit?
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING