Janice de Belen, inalala ang confrontation sa kabit ng ex-husband: Pasalamat ka ako ang asawa dahil kung hindi, pwedeng patay ka na o na-deport ka na!

MARAMING insights na mapupulot sa underrated podcast ng real-life bestfriends na sina Carmina Villaroel, Candy Pangilinan, Gelli at Janice de Belen na may tentative title na ‘Wala Pa Kaming Title Podcast‘.

Sa kanilang 6th episode na may titulong ‘The Third Party’ ay inalala ni Janice de Belen ang confrontation na naganap sa pagitan nila ng kabit ng kanyang ex-husband na kung updated ka sa showbiz chika noong late 90’s to early 2000’s ay magegets ninyo kung sino ang sangkot na aktres/dancer.

Janice de Belen, inalala ang confrontation sa kabit ng ex-husband: Pasalamat ka ako ang asawa dahil kung hindi, pwedeng patay ka na o na-deport ka na!
Janice De Belen

Kuwento ni Janice, nakaharap niya mismo ang mistress ng kanyang ex-husband at mismong ang kampo nito ang nag-imbita na magkita silang dalawa.

“Because she’s involved in a big management company, the head of the management company called me, and asked me kung puwede kaming mag-usap, kasi magso-sorry daw sa akin.

“O, e, kayo naman ang may gusto, e. Pero ang gusto ko nandiyan kayo sa kuwarto. Para kapag sinabi niya sa inyong sinampal ko siya, sinampal ko talaga siya, di ba?’” pahayag ni Janice.

Nang tanungin siya ng mga kaibigan kung sinampal niya ang babae, “Hindi, kasi I’m bigger than that. Sayang yung effort ko na iyon.”

Ang unang sambit daw ng kerida ng kanyang ex-hubby, ’I’m sorry, I did not know.’ Sabi ko, ‘You did not know what? You did now know he’s married? You did not know artista yung asawa niya? O you did not know anything?’”

“Sabi ko, ‘Wala ka bang nanay, lola, kapatid, best friend na sinasabi sa iyo, ang lalaki sasabihin sa iyo kahit na ano just to get in your pants? Wala bang nagsabi nu’n sa iyo?’” pagbabalik-tanaw ng aktres.

“E, siyempre, nag-monologue na ako. ‘Pasalamat ka, ako yung asawa. Dahil kung hindi, puwedeng, one, patay ka na.’ O, di ba? E, di siya tagarito, e. Working visa lang siya dito.

“’Two, deported ka na. Or three, wala ka nang trabaho.’ Kasi puwede mo siyang hiyain to a point na mapi-pressure, na mawawalan ng trabaho, tanggalin siya sa trabaho.

“But I chose to not do. Sabi ko, ‘So, masuwerte ka pa….’ Tapos sabi niya, ‘It’s not going to happen.’ Sabi ko sa kanya, ‘Alin, magbi-break na kayo?’ Ang sabi ko, ‘Tapos na kayo?’” banat pa ni Janice na mala-kabitserye ang linyahan.

Hindi na raw nakaimik ang babae kaya tinapos na ni Janice ang meeting.

“Tinapos ko na kasi there’s no point in…papahabain ko meeting? So, pagtayo ko, siyempre, nandoon siya sa may pintuan palabas.

“Naramdaman ko nanginginig siya. Nakita ko nanginginig siya. In fairness to her, nanginginig siya sa takot. Sabi ko sa kanya, ‘O, relax. Kung gusto kitang saktan, kanina pa kita sinipa.’ Tapos I left,” sambit pa ni Janice.

Nang tanungin ng mga co-hosts niya kung kailan siya nakapagdesisyon na hiwalayan ang asawa, “It’s the loss of respect”.

“We can talk a million things. You can say, ‘Naku, pag nakita ko ’yan, tatakdyakan ko ’yan, sasampalin ko ’yan. But when you’re there in the situation, you will not know exactly what to do. You will not know.” pag-amin pa ni Janice.

Previous articleSue Ramirez, inalala ang araw na unang nag-fangirl siya kay Jodi Sta. Maria
Next articleVLOG WATCH: Barbie Imperial pranks her friends! (including Sandro Marcos and Carlo Aquino!)