Janice de Belen, ‘di pa rin maka-move on sa lesbian sex scene sa pelikula

ADVERTISING

Janice de Belen, ‘di pa rin maka-move on sa lesbian sex scene sa pelikula

Janice de Belen
Janice de Belen

Lesbian ang role na ginagampanan ni Janice de Belen sa pelikula ni Direk Rahyan Carlos na “Ringo, The Dog-Shooter” na entry sa 3rd World Premieres Film Festival (WPFF) na magsisimula sa June 29 to July 10 in selected cinemas.

ADVERTISING

May love scene din siya kay Liza Diño na gaganap naman bilang isang veterinarian na karelasyon niya sa movie.

Paano ba niya pinaghandaan ang ganitong klase ng role?

“Dinelay, dinelay ko nang dinelay,” natatawa niyang pahayag.

ADVERTISING

“Paano mo naman paghahandaan ‘yung ganu’n? Magpa-practice ka? Hindi naman, ‘di ba? So, dinelay ko. Kasi ang kailangan ko more than anything ay lakas ng loob. Ay, mas mahirap ‘yon! Pinakamahirap ‘yung lakas ng loob.

“It’s not even ‘yung shot, not even ‘yung kukunan ka, lakas ng loob ang pinakakinailangan ko sa lahat,” pag-amin pa ni Janice de Belen.

Nang ibinigay raw sa kanya ang script para pag-aralan if she is going to accept the project, hindi raw niya nabasa ang part na meron siyang love scene sa kapwa babae.

Ayon pa kay Janice, first time niyang ginawa ang ganu’ng klase ng eksena sa buong buhay niya as an actress.

“Alam mo, hanggang ngayon na pinag-uusapan natin ‘yun, ninenerbyos pa rin ako kasi feeling ko, ito ‘yung pinakamahirap na ginawa ko ever,” sey pa niya.

Bida rin sa “Ringo” si Sandino Martin at ang asong si Inca.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING