Janice de Belen, biktima ng pananahimik ni Gerald Anderson

ADVERTISING

Janice de Belen, biktima ng pananahimik ni Gerald Anderson

Janice-de-BelenHANGGANG NGAYON ay tikom ang bibig ni Gerald Anderson sa isyung si Janice de Belen ang dahilan ng split-up nila ni Maja Salvador.

Samantalang si Janice naman ay hindi pinatulan ang isyu, bagkus nag-post na lamang ito sa kanyang Instagram account ng makahulugang quote na, “Rumors are carried by haters, spread by fools, and accepted by idiots.”

Maging kami ay hindi naniwala sa isyung ito, dahil sabi nga ni Ge nang makakuwentuhan namin sa taping ng Nathaniel, “Oo nga, eh. Pati si Ate Janice, nadadamay na. Of all people, si Ate Janice pa na nanay-nanayan ko? Nakakaawa talaga ‘yung mga taong walang magawa sa buhay kundi ang mang-intriga.”

Sabi naman namin kay Ge, “Kasi nga, pilit pa ring inaalam ng mga fans kung ano talaga ang kuwento sa hiwalayan n’yo ni Maja Salvador?

ADVERTISING

“Hangga’t walang dahilan, may mga maglalabasan at maglalabasan pang isyu.”

“The fact na inamin ko naman na wala na kami at nakiusap ako na kung anuman ‘yung dahilan eh, we will keep it private, sana, naintindihan na nila ‘yon.”

Eh, ganu’n nga yata sa social media. Unahan sa pag-create ng isyu ang iba. At unahan din sa panghuhusga ang mga tao.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING