Janelle Tee palaban sa pag-dominate kay Baron Geisler sa ‘Pusoy’

KUNG nawindang kayo sa mga eksenang ginawa ng 2019 Miss Earth Philippines na si Janelle Tee sa mga eksena niya sa ‘Putahe‘ kung saan sandamakmak ang sexy scenes niya kasama si Ayanna Misola at anim pang lalaki, mas lalo kayong maloloka kapag napanood niyo na ang ‘Pusoy’.

Janelle Tee palaban sa pag-dominate kay Baron Geisler sa 'Pusoy'
Janelle Tee

Kahit na mas naunang ipinalabas ang ‘Putahe’ ay mas naunang natapos i-shoot ang ‘Pusoy’ kung saan bida rin ang isa pang Vivamax Queen na si Angeli Khang with award-winning actors Baron Geisler and Vince Rillon.

Sa pelikula ay ginampanan ni Janelle ang papel na Xandra, ang original Pusoy Queen na dominatrix din na sidechick ng karakter ni Baron. Hindi lang basta paghuhubad ang ginawa ng ex-beauty queen dito. Talagang kinarir niya ang pagiging dominatrix at na-dominate niya ang nag-iisang Baron Geisler. Sinagad niya ang pananakit sa sarap kay Baron at talagang nakakagigil talaga.

Janelle Tee palaban sa pag-dominate kay Baron Geisler sa 'Pusoy'
Janelle Tee and Baron Geisler

Kahit na alam natin lahat na very passionate si Baron sa kayang mga ginagampanang papel, hindi nagpatalo si Janelle at na-handle niya ang kanyang leading man na hindi rin nagpahuli sa pagpapaseksi. May mga props pa silang mga laruan na for adults only! Kaloka! May licking of the feet din na naganap! Hindi na kami nagtataka kung totoong nagselos ang misis ni Baron. Tinodo naman kasi talaga ni Baron ang mga eksena niya not only with Janelle, but also with the much younger Angeli Khang.

Para sa amin, mas bet namin ang pagganap ni Janelle bilang Xandra rito sa ‘Pusoy’ ikumpara sa ‘Putahe’. Maganda makita ang aggressive side ng ex-beauty queen na siya ang in control and on top! Pak!

Sa June 10 naman ay si Janelle Tee na naman ang bida sa ‘Secrets’, kung saan sina Felix Roco, Denise Esteban at Benj Sangalang naman ang kanyang kasama under the direction of Jose Javier Reyes. Is Janelle Tee the new Vivamax Queen?

Previous articleTop 5 James Reid songs you must listen to
Next articleTambalang Xian Lim at Glaiza de Castro sa ‘False Positive’, nakakabitin!