Janelle Tee: Beauty Queen to Sexy and Brave Actress

MARAMING beauty pageant fans ang nagulantang nang magdesisyon ang 2019 Miss Earth Philippines and TV host na si Janelle Tee na maghubad sa pelikulang ‘Kinsenas, Katapusan’. Playing a supporting role, marami ang nagtaka what made the beauty titlist say ‘yes’ sa pagpapakita ng kanyang katawan kahit hindi siya bida.

Janelle Tee: Beauty Queen to Sexy and Brave Actress
Janelle Tee

Ngayon ay napagtanto namin na baka nga may career plan si Janelle Tee para sa kanyang journey as an actress. Hindi lang kasi isa o dalawa kundi tatlo ang mga pelikulang pinagbibidahan nito na sunod-sunod din ipapalabas sa Vivamax.

As of writing ay palabas na sa Vivamax ang ‘Putahe‘, kung saan kapareha niya ang isa pang palaban na Vivamax sexy actress na si Ayanna Misola. Laplapan dito, laplapan doon! Indoor, outdoor, umaariba ang JanYanna. Pak!

Maliban sa mga daring scenes nila ni Ayanna ay may anim na lalaking nakasiping ang karakter ni Janelle bilang Euka. Sinimot talaga ang putahe ni Euka!

Vocal naman si Janelle Tee na ang kanyang paghuhubad sa pelikula ay isa lang stepping stone para siya ay kilalanin at seryosohin bilang aktres. Tama rin naman ang obserbasyon niya na karamihan sa mga beauty queen turned actresses ay nagiging support actors lamang na madalas ay bestie ng bida ang papel.

Janelle Tee: Beauty Queen to Sexy and Brave Actress
Janelle Tee

Tila worth it naman ang risk na sinugal ni Janelle. Habang marami ang hanggang ngayo’y nasasarapan sa ‘Putahe’, sa May 27 ay ipapalabas naman ang ‘Pusoy’, kung saan makikipagsabayan siya sa mas batang si Angeli Khang at karomansa niya ang award-winning actors na sina Baron Geisler at Vince Rillon.

Sa June 10 naman ay ipapalabas ang ‘Secrets’, kung saan kasama naman niya ang kapwa baguhan na si Denise Esteban at Felix Roco.

In fairness, Janelle Tee can act. Abangan na lang natin ang kanyang journey as a serious sexy actress! Pak!

Previous articleVLOG WATCH: Pasilip ni Paul Salas sa Bench Body Photoshoot in Briefs! (with Derrick Monasterio and Josh Barfuss)
Next articleJulia Barreto at Joshua Garcia balik-tambalan sa pelikula