Janelle Tee at Denise Esteban patalbugan sa ‘Secrets’

PABORITO ‘yata ngayon ng Vivamax ang mga baguhang sexy stars na sina Janelle Tee at Denise Esteban. Silang dalawa ang lead female leads ng kauna-unahang Vivamax project ng critically-acclaimed director na si Jose Javier Reyes na may pamagat na ‘Secrets‘.

Janelle Tee at Denise Esteban patalbugan sa 'Secrets'
Janelle Tee and Denise Esteban in ‘Secrets’

Sa lahat ng mga sexy stars na inilunsad ng Viva ngayong 2022, masasabi na marami ang na-shock sa pagpayag nina Janelle at Denise sa pagpapakita ng kanilang katawan for the public to see.

Si Janelle Tee lang naman ang Miss Earth Philippines noong 2019. Dahil determinado ito na maalis ang ‘beauty queen tag’ sa kanya ay napapayag ito sa offer ng Vivamax na gumawa ng mga proyekto kung saan kailangan niyang magpakita ng katawan.

Janelle Tee at Denise Esteban patalbugan sa 'Secrets'
Janelle Tee

Sa Kinsenas, Katapusan siya unang nagpasilip ng alindog at na-shock ang kanyang mga fans. Sinundan naman ito agad ng lead roles sa magkakasunod na pelikula: Ang Putahe kung saan kasama niya si Ayanna Misola; Pusoy kung saan hindi siya nagpatalo kay Angeli Khang at ngayon ay bida siya sa Secrets with the younger Denise Esteban.

On the other hand, kilala na ng mga Pinoy Pop o P-Pop fans si Denise Esteban. Kung fan kayo ng P-POP Generation, matatandaan na isa siya sa popular members at marami ang nagsasabi na meron siyang ‘IT’ factor na maging next big thing sa showbiz. May mga comments pa nga noon na puwede na siya ang next Nadine Lustre ng Viva.

Janelle Tee at Denise Esteban patalbugan sa 'Secrets'
Denise Esteban

Come 2022, Denise shocked her fans sa paglabas sa ‘Kaliwaan’, kung saan wala itong kiyeme sa pagpapakita ng katawan. Nasundan ito ng lead roles niya sa Doblado and the ongoing sex comedy series ‘HOS’. S’yempre, kasama rin siya sa ‘Secrets’. Ayon kay Denise, pangarap niya talaga na maging artista at ang pagpapaseksi ay isang stepping stone lamang.

Kasama rin sa ‘Secrets’ ang award-winning actor na si Felix Roco at ang newcomer na si Benz Sangalang. Mapapanood na ito sa Vivamax simula June 10.

Previous articleVLOG WATCH: Angel Locsin’s Caliraya Lake House!
Next articleThings You Didn’t Know About Kim Woo-Bin