Janella Salvador, pressured sa kanyang MMFF movie

ADVERTISING

Janella Salvador, pressured sa kanyang MMFF movie

Janella-SalvadorAng tatlong Star Magic artists na sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce ang magdadala ng MMFF movie ng Regal Films na Haunted Mansion kaya hindi raw maiwasang ma-pressure ang tatlo.

“Siyempre, may pressure. Pressured po ako talaga,” pag-amin ni Janella.

Pero malaki naman daw ang tiwala niya sa mga kasamahan at sa direktor ng pelikula kaya hindi siya natatakot na makatapat ito ng iba pang pelikula sa festival.

“I’ll trust everyone na nakakatrabaho ko kaya nababawasan din ang kaba ko. Saka alam ko naman po na maganda rin ‘yung pelikula namin,” dagdag pa ng dalaga.

ADVERTISING

Naniniwala din si Janella na susuportahan din ng ABS-CBN at Star Magic ang kanilang kauna-unahang movie project kahit pa hindi Star Cinema ang nagprodyus nito.

“I guess susuportahan naman po kami pati ng Star Magic. Hopefully, malaking grupo ang sumuporta sa amim,” sey pa niya.

Sa tanong namin kay Janella kung ano ang pakiramdam na sa kauna-unahan nilang pelikula ay magkakasama sila nina Jerome at Marlo, ang sabi niya, “Para kaming nagre-reunion. Hindi ako nagkaroon ng masyadong adjustment kasi pareho ko na silang kilala.”

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING