Janella Salvador on Julia Barretto: ‘Hindi na kami nag-uusap!’

ONCE UPON a time, kilala bilang close friends sa bakuran ng Kapamilya Network sina Janella Salvador at Julia Barretto. Kung nasubaybayan ninyo ang karera ng dalawa, halos sabay silang sumikat at minahal ng mga tagahanga.

Nag-iba ang ihip ng hangin noong bandang 2019 habang ginagawa ni Janella ang primetime thriller na ‘The Killer Bride’, kung saan nakapareho noon ni Janella ang ex-boyfriend ni Julia na si . Umabot pa ito sa punto na in-unfollow ni Julia ang dalawa, na muli niyang finollow eventually.

Janella Salvador on Julia Barretto: 'Hindi na kami nag-uusap!'
Janella Salvador and Julia Barretto

Nabuntis, nanganak at nagbalik-showbiz na si Janella. Si Julia Barretto naman ay lumantad na karelasyon na niya si Gerald Anderson at ngayon ay nasa ibang istasyon na. Ngayon ay nasagot na rin ang mga katanungan ng mga tsismosang curious sa kinahinatnan ng closeness nina Janella at Julia noon.

Sa ‘Drink or Spill’ challenge ng twin sisters na sina Joj at Jai Agpangan noong Linggo ay matapang na sinagot ni Janella ang mga katanungan.

“Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon,” pag-amin ni Janella.

“There was an issue before, na hindi ko na sasabihin kung ano — alam niyo na ‘yun,” pag-alala pa niya.

On the lighter side, nagparamdam naman ng kanyang concern sa Julia noong nalaman nitong buntis ang kanyang kapwa ASAP IT Girl.

“Nag-reach out siya noong nalaman niya na buntis ako. Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-‘thank you’ ako.”

“Pero hindi na nag-progress ‘yung friendship namin from there,”

Inamin din ni Janella na sa lahat ng naka-loveteam niya ay si Joshua Garcia ang kanyang pinakapaborito.

“Actually wala pa akong naiisip na hindi ko pa nakaka-work na ka-love team na gusto ko maka-love team. Kahit sino naman, open ako,”

Janella Salvador on Julia Barretto: 'Hindi na kami nag-uusap!'
Joshua Garcia and Janella Salvador

“Pero, honestly, sa lahat ng naging ka-love team ko, best na nakatrabaho ko si Joshua Garcia. Masaya katrabaho si Joshua. He’s super professional, at ang galing niya talaga. Ramdam mo siya sa bawat eksena,” papuri nito sa kanyang ex-onscreen partner.

Ngayon na nagpapapayat na si Janella at soon ay ready to work na muli, hindi na kami magtataka kung pagsasamahin sila muli ni Joshua Garcia, na napakatahimik these days.

Siguro, hindi naman talaga totally nagkaroon ng falling out sina Janella at Julia. Nagkataon lang siguro na busy sila sa kani-kanilang lovelife at pandemya pa rin, ‘diba?!