Janella Salvador nakiusap na bigyan ng privacy ang relasyon nila ni Markus Paterson

UMAPELA ang Kapamilya actress na si Janella Salvador sa mga press at mga fans niya na irespeto muna sana ang privacy nila ng kanyang partner na si Markus Paterson. Ito ay matapos kumalat ang usap-usapan na diumano’y hiwalay na ang dalawa.

Sa panayam ng website na PUSH sa aktres ay sinabi ni Janella na aware siya sa mga tsikang kumakalat tungkol sa kanila ni Markus.

Janella Salvador nakiusap na bigyan ng privacy ang relasyon nila ni Markus Paterson
Markus Paterson and Janella Salvador

“I am aware of the speculations that are going around. Pero siguro I’m asking people to give us more time, i-respect kung anuman ‘yung nangyayari,” saad nito.

Nilinaw naman ni Janella na “okay” sila ng ama ng kanyang anak na si Jude.

“Okay kami. We’re okay, we’re totally okay,” diin pa niya.

Nang uriratin pa rin tungkol sa rumors na kumakalat, “Well, siguro hindi na maiiwasan na people will talk. Pero ayon nga, I hope people will respect our privacy as of now. And, eventually naman… Respect our privacy lang muna. But we’re okay.”

Sa recent interview ng Cinema News kay Markus Paterson, sinabi nito na “very good” ang relasyon nila ni Janella, pero hindi klaro kung ang “very good” na ito ay sila pa rin ba o as “civil” sila sa isa’t isa.

Janella Salvador nakiusap na bigyan ng privacy ang relasyon nila ni Markus Paterson
Markus Paterson and Janella Salvador with Baby Jude Trevor

“Our relationship status is definitely something that people are asking about. But as of now, I’m gonna let her do the talking in that situation,” sambit ng aktor.

“We’re both very good. We have a very good relationship with each other. So let’s just leave it like that for now.”

Nag-umpisang pag-usapan ng mga marites ang ‘hiwalayan’ diumano ng dalawa nang no-show si Janella sa birthday celebration ni Markus kamakailan lamang.

Previous articleVLOG WATCH: Get to Know JM De Guzman sa kanyang channel!
Next articleBianca Gonzalez, nagbalik-tanaw sa pagiging PBB housemate; inalala sina Toni at Mariel