Janella Salvador may banat sa mga body shamers

ADVERTISING

HINDI napigilan ng Kapamilya actress na si Janella Salvador na umalma sa mga bashers na nanggugulo sa kanyang social media accounts.

Kasalukuyang nasa England ngayon ang aktres kasama ang kanyang ina, kapatid at pamilya ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson. Hindi pa nila kinukumpirma o dini-deny, pero usap-usapan na nanganak ang aktres sa panganay nila ni Marcus noong Oktubre. Inamin naman nila ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpost ng short but sweet confirmation posts noong Setyembre.

ADVERTISING
Janella Salvador may banat sa mga body shamers
Janella Salvador and Markus Paterson

Nagpost ng isang sweet Happy Holidays video si Janella kasama ang kanyang kasintahan. Bagamat maraming legit fans ang nagpost ng kanilang positive messages, may ilan naman na nag-bodyshame sa aktres partikular sa kanyang timbang.

Ito siguro ang nagtulak sa aktres para magtweet ng parinig sa mga bodyshamers na walang magawa sa buhay kahit na Holiday season ngayon.

“Filipinos are the worst body shamers,” panimula ng aktres.  “Let me enjoy my christmas pudding in peace. Happy holidays to you too!”.

ADVERTISING

Matagal-tagal na rin nasa United Kingdom ang aktres. Sabi nga ng ilan sa mga fans niya, namimiss na raw nila makita si Janella sa Metro Manila Film Festival dahil madalas din na bida ito sa mga entries ng Regal Films. Sa mga nakakamiss kay Janella, puwede naman na i-marathon niyo muna ang mga past films na nagawa niya na ang iba ay available sa Netflix.

ADVERTISING