Janella Salvador at Marlo Mortel, sinugalan ng network

Janella  Salvador at Marlo Mortel, sinugalan ng network

Janella-Salvador-Marlo-MortelFROM WALANG Tulugan With The Master Showman, masuwerteng napasama sa ABS-CBN serye na Be Careful With My Heart si Marlo Mortel na siyang nag bukas ng pinto sa kanya para makilala, kasama ang ka-loveteam nitong si Janella Salvador.
At dahil sa pagsikat sa phenomenal soap, nabigyan sila ni Janella ng launching project, ang OMG.
Kuwento nga ni Marlo, “Nag-start na kami ni Janella na mag-taping ng OMG. Sana, suportahan din nila katulad ng pagsuporta nila sa Be Careful With My Heart.
“Nakakakaba kasi dalawa kaming bida rito ni Janella, first time na binigyan kami ng ganito kalaking show. Kaya nakaka-pressure kasi hindi namin alam kung ano ang magiging resulta nito.
“Kumbaga parang sugal sa aming dalawa ang show na ito. Pero pinagdarasal naman namin na sana, tangkilikin ng mga manonood.
Wish for 2015: “Siguro kung may wish ako, siyempre ‘yung maging successful ‘yung show namin ni Janella na OMG, at sana mas maging maganda ‘yung pagsasama namin bilang magkaibigan, magka-loveteam, at magkatrabaho.”
“Sana mas marami pang projects ang dumating sa amin ni Janella sa 2015,” pagtatapos ni Marlo.

John’s Point
by John Fontanilla