Janella Salvador, labas daw sa hiwalayang Elmo Magalona-Janine Gutierrez

ADVERTISING
Janella Salvador
Janella Salvador

Bagama’t nauna nang nilinaw ni Janine Gutierrez na ang kakulangan sa oras ng bawat isa sa kanila ni Elmo Magalona ang dahilan ng kanilang break-up, nasasabit pa rin ang pangalan ni Janella Salvador sa isyu.

Si Janella kasi ang naging ka-love team ni Elmo simula nang lumipat ang dating Kapuso talent sa ABS-CBN.

Sa katatapos na PMPC Star Awards for Music na ginanap sa Novotel sa Araneta Center, Cubao, Quezon City nitong Linggo ng gabi, October 23, hiningan ng reaksiyon si Janella kaugnay ng isyu.

“Ako, ang reaction ko riyan, wala. Kasi, as long as I know na wala naman akong ginawang masama, I’d rather stay out of that, ‘cause I’m not involved naman,” pahayag ng singer-actress.

Pero nalulungkot daw siya para kay Elmo dahil kaibigan niya ito. “Of course I do feel bad. But I’m always gonna be here for Elmo. Siyempre more for Elmo, ‘cause he’s my friend.”

ADVERTISING

Dagdag pa ni Janella, “If I have to comfort, I’m gonna be here for him naman.”

Gayunman, hindi inaalis ng dalaga na mag-level up ang love team at friendship nila ni Elmo.

Aniya, “Tingnan natin. He’s very caring as a friend, he will always think of others din.”

Iniuwi ni Janella ang tropeo bilang Best New Female Recording Artist of the Year sa nasabing award-giving body. Inihayag niya ang kanyang labis na kasiyahan, dahil hindi raw niya inaasahang masusungkit ang kanyang first award sa music.

“Sobrang thankful ako na na-recognize. Hindi ko talaga in-expect. Music is really a big part of my life. I’m just so happy,” sabi pa ng dalaga.

ADVERTISING