Janella Salvador, ka-date si Jerome Ponce sa midnight screening ng “Haunted Mansion”

ADVERTISING

Janella Salvador, ka-date si Jerome Ponce sa midnight screening ng “Haunted Mansion”

Janella-SalvadorFirst in Philippine Movie History dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng “midnight ccreening” ang pelikulang “Haunted Mansion” na entry ng Regal Films para sa MMFF 2015.
Maganda pang-set ng mood para sa isang horror movie, bukod sa katotohanan na ayaw ng distributor ng foreign movie na Star Wars na mag-cancel ng last screening nila just to give way sa special screening ng pelikula ni Mother Lily.
In fairness, ang daming mga gulat factor na mga eksena sa pelikula. Ilang beses din akong nagulat. Natakot ako sa eksena ni Janella Salvador na pinasukan ang katawang lupa niya ng masamang spirit na ang tingin niya ay tumatagos. Natakot ako sa eksenang ‘yun.
Last Friday evening, wala si Marlo Mortel sa midnight special screening sa Greenhills Theater ng “Haunted Mansion”, kaya suwerte ni Jerome Ponce at siya ang katabi sa upuan ni Janella Salvador who was good sa role niya as the love interest of Marlo and Jerome.
Daming mga eksena sa pelikula na ikagugulat mo na akala mo ay simple lang. Dahil katabi ni Jerome Ponce si Janella Salvador sa upuan, ilang beses kayang napahawak ang dalaga sa braso ng binata kapag nagugulat ito sa mga eksena?

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING