Janella Salvador inamin ang dahilan kung bakit inilihim ang pagbubuntis; Aktres wala pang planong pakasalan si Markus Paterson

Leo Bukas

IPINALIWANAG ni Janella Salvador ang dahilan kung bakit itinago nila ng boyfriend niyang si Markus Paterson ang kanyang pagbubuntis kay Baby Jude Trevor na ipinanganak noong October 2020 sa United Kingdom.

“I wasn’t hiding it for selfish reasons. Pero I wanted to hide it because I wanted to cherish the moment in my life na first time kong maging mom. Yung wala munang ingay. Yung may sarili muna akong moment to enjoy it,” simulang paliwanag ni Janella sa isang interview.

Janella Salvador inamin ang dahilan kung bakit inilihim ang pagbubuntis;  Aktres wala pang planong pakasalan si Markus Paterson
Baby Jude Trevor Paterson | Markus Paterson and Janella Salvador

Patuloy niya, “It was really hard. Because I was getting comments na, ‘Ikinahihiya mo ba?’ ‘Hindi ka ba proud?’ Ganyan. I don’t think any mom would want to hide her baby.”

Naging very safe ang pagbubuntis ni Janella kahit mataas ang kaso ng covid-19 sa UK kung saan sila nakatira ngayon.

Aniya, “Thank God, hindi kami nagka-COVID. We were safe. But it was scary.”

Pinasalamatan din ni  Janella ang partner na si Markus na palagi raw nakaalalay sa kanya during pregnancy at hanggang manganak siya.

Aniya, “Markus has been really, really helpful as a father and as a partner. Because, emotionally, he was there to support me when I would have a meltdown to whatever because it was really not easy.

Janella Salvador inamin ang dahilan kung bakit inilihim ang pagbubuntis;  Aktres wala pang planong pakasalan si Markus Paterson
Markus Paterson and Janella Salvador with Baby Jude Trevor

“He would be my arms and legs lalo na during my last few stages of pregnancy. Hindi ako makatayo. Hirap na hirap na akong maglakad. Wala s’yang reklamo. He would do everything for me. I couldn’t ask for more.”

Samantala, inamin din ng aktres na kahit may baby na sila ni Markus ngayon ay wala pa sa plano nila ang magpakasal.

“Wala pa. Hindi kami nagmamadali about that. For now, ang focus namin is to raise Jude muna,” lahad pa niya.